Maraming stretching ang kanyang ginawa pero parang di parin sapat pala, masakit na masakit na ang kanyang balakang. Di pa sila gaanong nakakaumpisa sa kanilang training proper, pero bugbog na bugbog na yung pakiramdam niya. Masakit ang kanyang balakang ang mga hita niya lalong-lalo na yung mga braso niya. "Trina hindi pa ba tayo tapos?" Tanong niya dito. Ang warm-up kailangan daw nilang gawin para hindi daw mabigla ang kanyang mga laman laman at katawan sa gagawin nilang routine at tinatawag na dynamic stretchin o sport-specific warm-up. Ito ay mga ginagawa na exercise na partikular sa sports tulad ng judo o karate na ang purpose ay i ready ang katawan para sa matinding action. Jumping jacks, Sprints, Burpees, Push-ups Arm circles, Leg swings, Hip circles, Knee circles, Ankle bo

