Iginala niya ang kanyang tingin sa silid na kanyang kinaroroonan ngayon, di parin siya makapaniwalang sa ganung silid siya nito patutulogin. Mas tama nga yatang sabihin na guest room ang silid na iyon, malayong malayo sa kanyang iniexpect na magiging silid niya. Sobrang nalulula siya sa mga naroon sa loob, lalo na ang mga mamahaling gamit na kaninang itinuro sa kanya ni Gemma. Di naman siya ang tipo ng tao na mananamantala sa kabutihan ng iba, sino ba naman kasi ang aayaw sa mga mamahaling gamit pero kaakibat ng pagtanggap ng mga ganung bagay ay ang konsensya. Baka maabuso na niya ang kabutihan na ipinapakita ng isang tao dahil halos ibigay na sa kanya lahat. Naligo siya bago muling bumaba, nakashort siya at t shirt na di karaniwan na ginagamit niya, bigay ni Drie sa kanya iyong shorts

