Bandang tanghali ay nandun parin si Poly, which is normal lang daw talaga. Matapos siyang tumulong sa pagluluto ay bumalik siya sa sala kung saan ito nanonood ng Chinese drama. Parang mas bahay pa nito ang bahay ni Gio kaysa sa bahay mismo ng mga magulang nito. Nasa labas naman si Berto na kanina pa niya iniiwasan, napakahirap pala na gawin ang ganun. Nakokonsensya siya lalo at wala namang ginagawang masama ang tao sa kanya para iwasan niya ng ganun. Ayaw lang din naman kasi niya ng conflict sa kanilang dalawa ni Gio kaya mas mabuti na sundin nalang niya. Ayos lang na maging distant sila ni Berto wag lang maging distant siya kay Gio dahil maapektuhan ang kanyang trabaho dito. Bagamat wala sa bahay ang kanyang boss ay alam naman niyang maaring naka monitor ito sa cctv ng boung kabahayan.

