Nagising siya sa halik ng kanyang anak, the usual day nilang mag ina. Makita niya lang ang kanyang anak na masaya at malusog ay isang malaking fulfillment na iyon sa kanya. Siguro bilang magulang ay mahalaga na lumaking masaya ang anak natin sa kabila ng katotohanan na alam natin sa mga sarili natin na di naman tayo perpektong mga magulang. Hindi mababayaran ng pera ang kasiyahan ng mga anak natin, at alam niyang isa sa nagpapasaya sa anak niya ay ang presence niya sa tabi nito sa araw araw. Kaya ngayon palang ay hindi na niya alam kung paano niya sasabihin na aalis siya upang magtrabaho sa Maynila. Alam niyang maaapektuhan ang bata, he is just four years old. Alam niyang di pa nito lubos na maiintindihan ang kanyang dahilan. Di pa niya nakakausap ang kanyang Mama tungkol sa pasya niya

