Sinadya niyang huwag lumabas ng bahay ng sumunod na araw, baka kasi madamay sa galit niya ang mga kaibigan niya. Minabuti na lang niya makipaglaro sa anak niya maghapon na ipinagtaka naman ng kanyang Mama. Pero hindi siya nito sinita sa harap ng kanyang anak. "May problema ka ba judith?" Tanong nito ng ma tiyempuhan siya sa may kusina. Tulog na ang kanyang anak habang nanonood ng cartoons sa may sala, napuyat kasi ito sa kakaubo nang nagdaang gabi. Madaling araw na tumigil ang kakaubo nito, matapos niyang painumin ng gamot sa ubo. "Wala po Ma, bakit po?" Tanong niya dito, iniiwasan niyang mapatingin dito, alam niya kasi na mahuhuli siya ng Mama niya, madali siya nitong mababasa. Alam na alam nito kung kailan siya nagsasabi ng totoo at kung kailan hindi, hangga't maaari ay ayaw niya ito

