Nang makauwe sila ay kaagad siyang nagpaalam dito na maaga siyang magpapahinga, gusto niyang mapag isa. Kinakain na naman siya ng lungkot at pangit sa kanyang anak. Napaiyak siya habang iniisip ito, gusto niya man itong tawagan ng mga oras na iyon ay di maari. Walang signal sa lugar ng kanyang Papang kaya di niya rin matatawagan ang mga ito upang maibsan ang kanyang pangungulila. Gusto niyang maramdaman ang mainit at ang malambot nitong munting katawan. Napahikbi siya habang nakatitig sa larawan ng anak, hanggang sa maging hagulhol. Kung sana kasi naging mayaman sila, sana di na niya kinakailangan pa na malayo dito. Sa totoo lang ay sobrang hirap na hirap siyang matulog sa gabi lalo na pag nakakausap niya ito. Naiiyak nalang siya pag sinasabi nito na Mommy uwe kana a. Parang napakahirap

