Nakatayo si Judith sa harap ng kama ni Gio, wala na itong buhay, napatingin siya sa labas habang ang mga luha ay patuloy na dumadaloy sa kanyang mga mata. Hindi niya mapigilan ang emosyon na bumabalot sa kanyang puso. Ang mga alaala ng kanyang minamahal na boss, si Gio, ay patuloy na naglalaro sa kanyang isipan. Bigla, naalala niya ang mga masasayang sandali nila sa resort. Ang mga tawanan, ang mga kwentuhan, at ang mga simpleng bagay na ginagawa nila kasama. Pero lahat ng iyon ay biglang natapos nang dumating ang di-kilalang lalaki at sinaksak si Gio. Kung kailan umamin na ito ng nararamdaman nito sa kanya ay saka naman ito namatay. Napahawak siya sa bintana, hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa nangyari. Ang sakit na nararamdaman niya ay hindi mawari. Hindi niya alam kung paano s

