Kinabukasan ay maaga palang nasa bahay na ni Gio si Poly, wala naman doon si Gio akala niya ay maaga silang makakaalis. Pero bandang alas diyes pa daw ang bukas ng mall ayon dito. Kaya naman hinintay pa nila na mag eleven bago sila umalis, sa pamimili nila ay halos ito ang nasunod. "We need to buy this." Sabi nito na itinaas ang isang two piece na kulay pula. "Anong gagawin ko diyan?" Naeskandalong Tanong niya rito. She never imagine herself wearing that very skimpy bikini. Okay lang siguro kung siya lang mag-isa pero kung may mga nakakita sa kanyang ibang tao parang hindi niya kaya. Pakiramdam niya ay hubad na hubad siya. "Isukat mo ito!" Sabi nito sabay bigay sa kanya ang mga damit o mas sa tamang sabihin na mga bikini dahil halos puro bikini naman ang nakikita niya na tangan-tanga

