Kasalukuyan Nakaharap lang siya sa mga nagkakagulong mga lalaki, di pa niya sinasabi sa mga bagong kaibigan ang tungkol sa kanyang anak. At sa ngayon ay wala pa naman siyang balak na sabihin sa mga ito ang tungkol kay kade. Hindi naman sa gusto niyang itago yung anak niya pero tsaka na lang siguro pag may nagtanong na sa kanya. "Uuwe na muna ako Drie." Paalam niya sa babae na abala sa pagluluto kasama si Yaya Rosing. "Hintayin mo nalang ito at para sabay na tayo papunta sa inyo, hihingi ako sa mama mo nung halamang gamot na sinasabi niya kahapon." Sabi ni Yaya Rosing. "Bakit kaba madaling madali?" Tanong ni Jana sa kanya. "Nilalagnat kasi si Kade kagabi inaatok ako." Sabi niya sa mga ito. Nakilala na nila Jana, Trina at ni Aqua si Kade. Pero di naman ipinakilala ng Mama niya na

