My Wife

1199 Words
Nagising nalang ako na parang may kung anong mabigat na nakadagan sa'kin. Nakita ko nalang na si Luhan pala nakayap sa'kin. Napapikit naman ako kasi tumatama sa mata ko ang buhok niya. Itutulak ko na sana siya ng malakas kaso may nagsalita. Si lola. "Kawawang bata 'yan kagabi," ani ni lola. "Bakit po lola?" "Dinig na dinig ko kasi' yung tyan niya. Gutom na gutom 'yan siguro." Napatango nalang ako. Ang arte kasi kagabi e. "Hindi pa po kasi talaga naka kain kasi maaga kaming umalis no'n sa school." "Bakit kayo napadpad dito?" "Nakatulog po ako e pero baka nag stop over yung bus namin para mag-lunch tapos ma hinabol lang kami hanggang sa naiwan kami ng school bus namin." "Hmmm o siya. Ihahatid ko nalang kayo mamaya sa sakayan," aniya. "Talaga po? Thank you po." "Lola, ate. Nakahanda na po ang almusal," tawag sa'min ni Lea. "Halika na apo at nang makakain kana." "Sige po. Gigisingin ko lang po siya." "Sige apo." Tinantya ko naman na makababa na si lola bago ko sinipa ng malakas 'tong unggoy na 'to. "Aaaah!!" Tinakpan ko naman kaagad ang bibig niya. "Aah, it really hurts, stupid!" "Kulang pa 'yan sa pagtulak mo sa'kin kagabi! Nagising nalang ako kaninang 2am na nasa bintana na ako at wala na ako sa higaan. Bumangon ka na nga diyan. Kakain na tayo." "Ayoko," aniya. "Huwag kang mag-inarte diyan. Gusto mo bang mamatay sa gutom ha?" "Fine. Tatayo na nga e. Ito na," sarcastic niyang sabi. Bumaba na kami. Naka-uniform na pala sila at handa-handa na sa school. Umupo na nga kami. Tsaka nagdasal. "O bakit ang lulungkot po nila?" "Inubos po ni kuya 'yung itlog natin," ani ni Ted. Nakita ko naman 'tong isa na ang lakas ng kain. "Hoy! Magtira ka naman!" "Hayaan mo nalang siya, apo." "Lola paano 'yan. May program pa po kami sa school. Baka po himatayin si Dingding dun." "Yung asin nalang ang i-ulam niyo," ani ni lola. Kinapa ko naman ang bulsa ko. Tangene wala pala akong bulsa. Naka-uniform parin kasi kami ngayon. Binuksan ko naman 'tong case ng cellphone ko. "Woa. May 5k pala akong inipit dito," ani ko. "Ano yan ate?" "Wow ang daming pera ni ate," ani ni Peter. "Madami na po 'to?" ani ko. "So tayo na mga babies. Ililibre ko kayo!" "Yeheey!" Nginitian ko naman si lola. "Lola matatanggap niyo po ba tong 5 thousand. Bayad ko po sa pagpapatulog mo samin tsaka para po dito sa itlog na inubos niya," ani ko. "Naku! huwag na apo." "Okay lang po. Tanggapin niyo po muna to. Partial lang po 'yan. " Pinilit ko talaga si lola. Nakakahiya kasi yung asal ng asungot na 'to. Ubusin ba naman ang scrambled egg habang nagdadasal pa kami!! "Lailai! Tayo na." "Ano ba mga pangalan niyo?" nakangiting tanong ko. "Ako po si Lea." "My name is Lailai. I'm 6 years old." Napangiti naman ako. "Ako po si Ted." "Ako po si Peter." "Ako po si Dingding" "Ako po si Robin." Nagsimula na nga kaming maglakad. Pumunta kami kaagad sa isang stall dito sa stop over. Umorder na nga kami. Pansin ko naman na umoorder din ang mukong. "Hindi ka parin nagpapatalo sa pagkain no?" "Gutom ako. I will pay you after." "Hmm ok!" Lumabas naman ako. Pumasok ako sa isang mini store. Nag-grocery ako worth 1k lang. "Wow ang dami niyan ate." "Junk foods? Ipapabaon mo sa mga bata?" "Shut up Luhan." Ihinatid naman namin sila sa school. "Ate, pwede niyo po ba kaming samahan? May program po dito sa school." "Hey kidoo. Uuwi na kami," pagsusungit ni Luhan. "Hindi naman po ikaw ang kinakausap e," sagot ni peter. Kaya pumayag nalang kami. Pero hindi ko inaasahan ang mga kasunod na nangyari. "Peter, ang panget! Walang tatay. Peter na panget! Walang tatay!" kanta ng nga batang nakasalubong namin. Nagulat nalang ako nang kwelyhan ni Luhan yung isang bata. "Huwag na huwag mong uulitin 'yun. Or else!" "Si---sino ka po ba?" "Siya ang tatay!" singit ko. "What? Are you crazy!" "Ikaw bata huwag na huwag mong sasabihan ng ganyan ang mga anak ko!!" "Halaaaa takbo!" saad ng mga resbak nung bata. "So-sorry tita," ani nitong hawak-hawak ni Luhan. Sinisiko ko naman siya na bitawan na niya ang bata. Binitawan naman 'to ni Luhan. "Isusumbong ko kayo sa mama ko!" sigaw nito sabay karipas ng takbo. "Lagot . Magsusumbong talaga yun kuya." "Natatakot ako, " saad ni Lailai. Kinarga ko naman siya . "Dont worry okay?" ani ko. "Naku lagot ayan na." May matabang manang na papalapit sa'min. Feeling ko yumayanig ang lupa dahil sa sobrang bilis niyang lumakad papunta sa'min. "Hooooy mga kutong-lupa! Sino kayo para apihin ang anak ko?" "Hey you big fat woman. Siya ang nauna. He's bullying my son!" Ha? Son? Sumakay din? "Anak niyo yang mga 'yan? Kaya pala ang dami nila kasi teenager pala. Ang sipag mo ineng," ani sa'kin ni taba. "Mag-control ka naman! May Grade 5 to kinder ka talagang anak! Ang pupusok ninyo!" Hindi a ako nakapagpigil kaya sinugod ko agad siya ng matinding flying kick. "Aah, ang sakit nun," sampal niya sa'kin. Natilapon ako. "How dare you to slap my wife!" sigaw ni Luhan. My wife? Nagsidatingan naman 'yung mga teachers para awatin sila. Tinulangan naman ako ng mga bata. Natigilan naman ako. Ewan ko pero namamaga ata sa sobrang hiya ang pisngi ko o sa sampal ng babaeng 'to. May teacher namang dumating kaya kumalma muna ang mood ni ate. "Ma' am," sigaw ng mga bata. "Sa clinic na muna kayo at ako na ang bahala dito." Binuhat naman ako ni Luhan. Halos hindi ako makatingin ng deretso sa kanya kasi feeling ko namumula ang mukha ko. Nang nasa clinic na kami. "Take this. Tss," abot niya ng mineral bottle sa'kin. "Ate kanina. Ang astig po ninyo," ani ni Lailai. "Kuya salamat," dinig kong saad ni Peter. "No probs!" "Ate usap-usapan kami sa labas. Ang ganda at gwapo daw ng tatay at nanay namin." Napatawa nalang kami. Hindi ko talaga maalis sa isip ko 'yung sinigaw ni Luhan kanina. Sinugod naman ulit kami. "Irereport ko kayo sa police!" "Hindi niyo ba alam? Purok President ang asawa ko dito at SK Kagawad ang panganay ko kaya lagot kayo!" Narinig naman namin na may police patrol car na dumating. "Huminahon ka Mrs. Caladium. Huminahon kayo," saway ng principal. "Lagot kayo. Mukhang nandito na ata ang mga pulis." "The h*ck, did you think that we were threatened? Is that what you have?" smirk pa ng loko. "Ipapakulong ko kayo!" "How dare you," bungad ni Teacher, ang adviser namin. Finally, thank God, we're saved. Nagsidatingan naman ang mga police. "I'm very sorry kung naiwan ka namin dito. I'm very glad na nakita na namin kayo," hikbi ni teacher. Siguro okay lang din na naiwan kami kasi ang astig ng experience namin dito. "Next time you should check your students first," ani ng police. Siniko ko naman siya. "Nakikita mo ba kung gaano siya ka sincere? Umiiyak pa nga siya." "As if naman na ikaw ang iniiyakan niya stupid. She's crying dahil baka masisanti siya." "At bakit mo naman nasabi?" "You remember Mrs. Toralba? Yung pinaalis dahil sa'yo?" Nginitian ko nalang si Teacher. "It's okay teacher."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD