Nagkaalaman na

455 Words
"Miss at the back!" Nagulat naman kaagad ako sa harap. "Po?" "Why are you covering your face? Are you mocking me? Am I a joke to you? Pinagtatawanan mo ba ako?!" singhal nito. Aba't napaka-feeling naman ng teacher na 'to. "Po? Hindi po!" "Late ka na nga sa klase ko. Sisirain mo pa ang buong discussion ko. Stand here infront!" Punyemas naman. Kita na nga na may tinataguan ako e. Hindi parin ako tumatayo. Lahat naman sila e nakatitig sa'kin. Mukhang kakainin pa nila ako ng buhay. "Tatayo ka ba o ako mismo ang hihila sa'yo palabas?!" Padabog naman akong tumayo at naglakad patungo sa harap. Nakatayo lang ako at hinahawi pa ang bangs ko para matakpan mukha ko. "Bend your knees. Do squat! Aalis ka lang diyan pag natapos na akong magdiscuss. Understood?" "K." Inirapan ko naman siya. Nakayuko lang ako. Calm down Kera. Control yourself. Huwag magalit. Ngalay na paa ko. Yung tipong may jetlag ka pa tapos ganito ang pambungad! Kasalanan to ng mukong na 'yun e. Kainis! Nakakapagod na ha. "Teacher!" tayo ko nang maayos. "Lalabas ako ng kusa sa klase mo," ani ko. "At nakuha mo pa akong subukan?!" "Una, wala akong pakialam kung magagalit ka kasi wala talaga akong mudo. Pangalawa, hinahawi ko lang ang buhok ko. Pangatlo, bakit naman ako matatawa sa pagmumukha mo? Hindi po pang comedy ang mukha niyo. Bagay po kayo sa horror. Nakakatakot po kasi," sabay ngiti ko. Nag-ingay naman ang buong klase. May tumawa bigla, may nagalit at may nagpipigil. "Nagkakaintindihan na po tayo?" Bumalik naman ako sa upuan ko para kunin ang bag ko. Nilingon ko naman 'tong unggoy na 'to. Tinitigan niya lang ako ng masama. Like ANONG-GINAGAWA-MO-DITO LOOK. Hinawi ko lang ang buhok ko papunta sa harap niya sabay irap. "The f," rinig kong bulong niya. Padabog naman akong lumabas ng room sabay sarado ng malakas sa pinto. Nakakainis. Ang ganda ng unang araw ko. Ang ganda talaga! Naramdaman ko naman na may pumigil sa kamay ko. "What are you doing here?!!" "Who you?" ani ko. "You know what! Get lost stupid! Nananahimik na ako dito." "Woa. Sino ka ba?" pang-aasar ko. Tiningnan ko naman kuno ang pin niya. "Ah. So you are Luhan? Nice meeting you po." "Naiinis na ako Kera!" "Omo. Kilala mo ko?" ani ko. "Kera ano ba! Bukas na bukas ayokong makita ang pagmumukha mo dito." "Sorry po. 'Di kita knows e," sabay talikod ko. "May amnesia po kasi ako. Report mo nalang po 'yan sa news tv. Baka madiscover pa ako." Nagpipigil naman ako sa pagtawa ko. Halatang galit talaga siya. Sarap asarin e. "Stupid!" sigaw niya. Tumalon-talon pa ako habang kumakaway sa kanya. "s**t. s**t. s**t! Argh!" dinig kong reklamo niya mula sa malayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD