Nandito na kami ngayon sa airport. Akalain mo'yun. May nakahandang private plane na pala si mayor ay este si Luhan.
Umakyat na kami. Umupo na ako kaagad. May mga nurses naman na lumapit sa'kin.
"Hello ma'am. Gagamutin po namin ang mga sugat mo."
"Ha? Ah okay."
He even hired a private nurse. Napakabait naman pala ng malignong 'to.
Kakausapin ko sana siya kaso natutulog na siya.
"I've heard about you po. Ang lala pala ng sinapit mo po," ani ng nurse.
"Kayo kasing mga babae. Hindi ba pwedeng magka-lovelife ang idols niyo?" singit ni nurse guy.
"Syempre ayaw lang namin na may kaagaw sa mga asawa namin."
Fan si nurse girl.
"Ah sorry po ma'am. Hindi po ako harsh fan ha.. Kaso yung ginawa nila po. Sobra na po kasi,". aniya.
Napatango nalang ako. Ang hapdi pa ng mga kalmot nila. May isang kalmot talaga na sobrang lalim. Nakakainis.
Magbabayad talaga sila sa'kin. Pasalamat sila kasi mabait ako ngayon dahil dun muna kami sa Jeju.
Excited na kaya ako.
"Youre pretty ma'am," ani ni nurse guy.
"Hindi pa ba kayo tapos diyan?" singit ni Luhan.
"Ehem, patapos na po sir," ani ni nurse girl.
Umalis naman silang dalawa.
"Hoy," ani ko.
"What?!"
"Thank you," ani ko.
"Magpahinga ka na diyan," saad niya.
Ewan ko ba pero parang natatawa ako kasi ang among-amo ng mukha niya. Mukhang mabait ang aura niya ngayon which I don't like kasi nakakainlove yung lalaking may ugaling ganun.
"Anong tinititig-titig mo diyan?"
"Oa mo! Tiningnan ka lang. Masyadong OA."
"Paano kasi nadidistract ako," mahina niyang sabi.
"Wow nadidistract ka talaga? Am I too attractive to you my dear husband?" pang-iinis ko.
"Para ka kasing mummy sa Egypt dahil sa mukha mo ngayon."
Uminit naman bigla ang ulo ko. Tama naman kasi siya. Nagmukha akong mummy sa mga band-aids sa braso ko.
"Kung ihulog kaya kita!"
"Baka ikaw ang ihulog ko diyan!" aniya.
Nakakainis! Babawiin ko na ang sinabi ko kanina. Hindi siya mabait. Nagbabalat-kayo lang pala ang salamander na 'to.
Nakarating na nga kami sa Jeju Airport. Inhale.
Exhale. Nasa lungs ko na ang hangin ng Korea.
Sarap, lasang Joo Hyuk. Waa ang saya. Iisang hangin na ang nilalanghap namin ngayon. Medyo malayo ang Seoul pero aabot din dun sa kanya ang hininga ko.Sana hindi niya maamoy yung
binagoongan kong ulam kanina.
"Hoy stupid! Tatayo kalang ba talaga diyan? O iiwan kita dito?!"
Kainis din to e!
Binuksan ko naman ang pinto ng kotse sabay padabog na umupo.
"Stup*d."
"Alam mo may pangalan ako. Kaya huwag mo kong ma-st*pid st*pid!"
"Fine."
Nakakainis naman. Nagsimula na siyang magmaneho. Ang ganda talaga. Kinakausap naman ni Luhan ang GPS locator sa salitang Hangul. Ang naintindihan ko lang. Sinsan Park.
"Anong klaseng park ba 'yan? Amusement Park? Heritage Park? Jeju Park? O baka naman Memorial Park? O si Sandara Park?"
"What?! Are you out of your mind? Just shut up, pwede?"
"Magshare ka naman kasi. Hindi yung sinosolo mo. Nagsasalita ka ng korean diyan e wala naman akong maintindihan. Nakakabobo. So san nga 'yan? Anong park, I mean."
" Akala ko ba galing ka dito sa Korea? "
"Oo pero hindi ako sanay magsalita ng hangul. Nasa Hongkong ako nag-aaral."
"Tssk."
"Anong park nga?"
"Marine Park."
"Oh. So wala pala sa binigay kong choices," sarcastic kong sabi.
Ang ganda talaga dito sa Jeju.
Teka? Masyado na ata akong ignorante?
"Bakit dun tayo pupunta? Bibisitahin mo ang mga ka-tropa mong dugong, ganun?"
"Nang-iinis ka ba?"
"Nagtatanong nga diba?" natatawa kong protesta.
So nakarating na nga kami. Ang ganda pala.
Bumaba naman siya. Nag-cap at mask pa talaga siya. Alam niyo 'yung aura na para siyang k-idol na gala? Yung nagtatago sa mga fans. Nakakatawa, nagmukha tuloy siyang holdaper. Binuksan ko naman ang pinto. Wow Cherry Blossom Tree. Ganda.
"Let's go stupid."
"Saan tayo?"
"Magbu-bus tayo. "
"Bus talaga? Nahiya naman ang kotseng 'to
sa'tin."
"Magco-commute tayo. Expired ang lisensya ko dito. Madaming checkpoints. Delikado."
Inirapan ko naman siya. Pumunta na kami sa bus station. Teka nafefeel ko 'to e. Yung tipong nakikita ko sa mga k-dramas.
"Anong ningingiti-ngiti mo diyan?"
"Oppa," ani ko sa kanya.
"What?"
"Yah oppa!" pa-cute ko. "Am I cute? Do I look
like a korean too?" sabay angat ko sa dalawang kamay ko papuntang ulo ko para mag heart form.
"Oppa. Saranghaeyo," pabebe kong sabi.
Natawa naman ako sa mukha niya. Parang ewan.
"Hahahahaha. Nagandahan ka sakin?"
"Dami mong pakulo. Ayan na ang bus."
Ni-swipe naman niya ang beep card.
Mukhang kami lang ang pasahero. Gabi na din kasi. Nakatunghay lang ako sa bintana. Ang romantic na talaga ng lugar na 'to.
"Dun ka nga umupo sa kabila. Ba't ka buntoy nang buntot. Wag mong sabihing may aswang din dito?" natatawa kong sabi.
"Inaasar mo ba ako?" inis niya.
"Hindi ah. Ang tapang mo nga nun e," sarcastic kong sabi.
Napikon talaga siya. Tumingin nalang ako ulit sa magandang view mula dito sa bintana.
"Luhan. Saan tayo pupunta?"
"Seogwipo City," sagot niya.
Gutom na ako.
Huminto naman ang bus.
"Nandito na ata tayo."
"Nasa kabilang bus stop pa tayo, stupid," nakapikit niyang sagot. Mukhang pagod ata siya.
May mga students naman na kakasakay lang. Kinausap naman ako nung isa.
"Noona, eodi ka?"
(Ate, saan kayo pupunta?)
"Luhan anong sinasabi niya?" tanong ko.
"Sabi niya pangit ka daw."
Ganun?!
"Sige po," ani ko. Ayokong patulan.
"Aaah. Seogwipo City."
Putek. Mukhang nagtatanong pala siya kung saan kami bababa.
Loko 'tong maligno na 'to ah. Sasapakin ko na sana kaso bumagsak na ang ulo niya sa balikat ko.
"Hoy tulog ka na?" yugyog ko sa kanya.
Ginawa ba naman akong comforter. Kulang nalang kumot at unan e.
Tumigil naman ang bus.
"Noona! Jal gayo. Josihhaeyo!"
(Ate, goodbye! Take care)
Naka-nganga lang ako habang kumakaway din sa0kanya. Siguro nagpapaalam na siya.
"Ba-bye din!"
"So you really think na nagpapaalam siya sa'yo?"
Baliw na 'to. Gising pala.
"So ano sinabi niya?" bobo kong tanong.
"Sabi niya ang pogi ko daw tapos ikaw mukha ka0daw'ng kabayo."
"What?!"
Pinagtawanan naman niya ako.
Bwes*t 'yun ah.