Nakahiga lang ako sa duyan na nakatali sa ilalim ng puno ng mangga habang pinagmamasdan ang kalangitan. Nang dumating si Seidie at yumakap sakin. "Andito kana pala agad." Bungad ko rito. Pagod itong ngumiti. "Yeah. Sobrang nakakadrained ang buong buwan na to. Sa isang iglap lang mag isa nalang ako." malungkot itong ngumiti saka tumabi sakin. Sumandal siya sa duyan ng nakaupo habang nakahiga naman ako. Seidie is my long time friend. Bihira ko siyang makasama dahil busy siya sa boyfriend at career. She's a Mafia Assassin. Hindi lang siya basta assassin, isa siyang sniper ng Team nila. Sniper rin ang yumao nitong jowa. I sighed. Minsan nalang sila makahanap ng kamatch o kasoulmate kinuha naman sakanila agad ni Kamatayan. "Basta tandaan mo, andito lang ako lagi para sayo." seryoso kong sabi

