Nagkaroon ng riverside party sa Forest kaya napakaraming tao ang dumalo. May mga naglatag ng tent at may mga nag arkila ng kubo o cottage. Yung iba ay sa mga floating cottage. Napuno ng masiglang tunog ang buong paligid. Mga pang party na tugtog at umaalingawngaw talaga iyon. Marami ring magagandang dekorasyon at may mga naghire rin ng videoke. Sobrang nakaaliw ang buong venue. Dahil may mga pasaya rin doon. Nagmistulang tiangge at playground. Dahil may mga palaro rin na ginawang ice breaker. Marami ang nakisali sa mga pasaya at marami rin ang nagtry kumanta. Nakakatuwa nga sila dahil kagagaling nilang kumanta at sumayaw. May mga sikat na kpop idols na nagperform at may mga Filipino rin. Nanatili lamang kami ni Rassel sa may floating cottage habang pinagmamasdan ang magandang neon lig

