Habang nagbabasa ng libro hindi parin mawaglit sa isip ko yung lalaking nakita ko nung isang araw. Hanggang ngayon hindi ko makalimutan yung itsura niya. That face tho. Ang gwapo niya talaga. Nagpagulong gulong nalang ako sa kama at di na tinuloy ang pagbabasa.
Nagpaalam ako ulit sa mahal na hari kung pwede ako lumabas kaya lang di ako pinayagan. Kaya naman naisipan ko nalang tumakas. Hays.
Inayos ko ang aking gamit kung saan hindi mahahalatang umalis ako. Nilock ko na rin ang pintuan at hinayaang tumugtog ang music para akalaing nasa loob lang ako. Kinuha ko na ang ilang alahas at nilagay sa loob ng bulsa ng bestida ko.
Saka dumaan sa sikretong lagusan sa palasyo papuntang hardin kung saan may secret passage palabas..
"Hay! Salamat! Nakatakas din ako. Ang hirap tumakas sa palasyo! Nakakainis."kaso bumuhos naman ang napakalakas na ulan.
"Ano ba naman yan? Ugh! Umulan pa!"inis kong sambit at tumakbo papuntang sikretong lagusan palabas.
Madilim sa parteng iyon dahil sa ilalim ito ng lupa kung saan nandoon ang lagusan. Sinindihan ko nalang ang mga sulo na nandoon para magbigay liwanag sa daan. Nasanay na ako sa ganitong kadilim na lugar dahil sa pagtakas. Hays.
Nang makalabas nako doon ay siya namang pagsikat ng araw sa labas. Kaya napangiti ako nang masaksihan ang bahaghari. Kay ganda nitong pagmasdan dahil sa makulay ito. Mabini rin ang simoy ng hangin.
Kaya sobrang sarap sa pakiramdam.
Napapaligiran ng pine trees ang nilabasan ko at makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakikita ko na ang kalsada.
Kinapa ko na ang bulsa ko kung saan nakalagay ang ilang alahas gaya ng hikaw at ponseras at ang ilang salaping hiningi ko saking ina noong isang araw.
"Kasya na siguro ito!"nakangiti kong sabi. At naglakad na. Pumara ko ng taxi ng may makita akong dumaan.
"Manong sa Euro Mall po."sambit ko na sinunod naman ng driver. Pinagmasdan ko nalang ang magandang tanawin sa London hanggang sa makarating sa siyudad na may mga modernong gusali na nakatayo. Maraming tao ang palakad-lakad roon. Karamihan ay nagmamadali. Ang ilan naman ay abala sakani-kanilang gawain.
Sobrang ganda ng London dahil sa pagpapanatili ng Hari at Reyna sa kaayusan nito. Maging ang mga tao ay organisado. At may prinsipyo.
Mabuti nalang ang suot kong bestida ay hindi halatang pang prinsesa. Kung kaya't malaya akong makakapamasyal at makakapamili. Bumili muna ko ng cocktail dress at sinuot yun saka binayaran dahil nangangati na talaga ko.
Matapos ay bumili na rin ako ng cellphone. Saka sinangla ang alahas kong nagkakahalaga ng 5.8 Billion. Kahit na gulat na gulat ang bantay ng sanglaan ay hindi na ito nagtaka nang mamukaan ako.
"Shhh. Ayokong may makaalam na nasa labas ako. Tumakas lamang ako sa palasyo."turan ko sa nakangiting tono. Tumango naman ang bantay at nginitian ako.
Umalis na ko agad doon at nagtungo sa Quantum ng Mall. Para subukan ang mga larong tanging sa palasyo ko lang nagagawa. Meron din kasing ganoon sa palasyo kaya lang boring ng ako lang mag isa. Di katulad dito kahit na hindi ko kilala ang mga naroon may nakakasabay ako. Kahit na may class ako bilang Prinsesa ay wala nakong pake, di ko parin maiwasang maging isip bata. Pero kapag usapang tungkulin at pang eskwelahan ay seryoso naman ako kaya ayos lang yun.
Sinubukan ko ang lahat ng laro doon sa sobrang tuwa. At nang makaramdam ng gutom ay lumabas nako para kumain sa isang sikat na French Cuisine na paborito ko.
Pinili ko ang mga paborito kong pagkain na higit na mas masarap kumpara sa pagkain sa palasyo.
Nagustuhan ko talaga iyon kaya naman nakadami rin ako ng kain. Di alintana ang tinginan ng mga tao. Hindi naman ako namukaan ng mga ito dahil sa suot kong short hair wig.
Pumunta na ko sa isang Night Bar nung gabi para subukang magliwaliw. Agad kong tinanggal ang wig dahil hindi naman ako mapapansin sa dami ng tao sa Euro Oblivion Bar.
Napuno ng tugtugan at sayawan ang paligid. Maraming kabataan at mid 30s ang nagkalat roon. Mga sikat na bachelor at ilang sikat na modelo at artista.
Dumiretso ako agad sa bar counter para umorder ng Margarita na madalas kong inumin. Nagandahan ata sakin ang bartender doon pero kahit dinadaldal nako nito ay tanging ngiti lang ang sinusukli ko. Nag iingat lamang ako na baka mapano ako lalo na at isa akong Prinsesa.
Sa di sinasadyang pagkakataon naparami ang inom ko. I feel dizzy kaya naman, sinubukan kong pumunta sa dance floor para sumayaw. Para matanggal ang espirito ng alak saking katawan. Gumiling at sinabayan ko ang pagsayaw ang lahat ng naroon.
Marami man ang nagandahan at nasexy-han sakin at may ilan ding nagtangkang manyakin ako pero lagi akong nakakailag maliban sa isa. Isang malaki at malapad na kamay ng lalaki ang pumulupot saking bewang at bahagya pa akong kinabig padikit sa matipuno nitong dibdib. Nakasuot ito ng half mask habang nasabay sa pag indayog ng kanyang katawan.
His palm travel around my body na nakapagpainit ng husto saking pakiramdam. Hindi ko alam kung pano at bakit hinahayaan ko ang lalaking itong haplusin ang bawat parte ng aking katawan.
Napakagat labi ang lalaki na lalong nakadagdag sa kagwapuhan nito. Parang pamilyar siya sakin. Uhm saan nga ba? Bagama't madilim tanging neon lights at may bahagi ng muka nitong natatakpan ng maskara ay alam kong sobrang gwapo nito. Napakalalim ng titig ng mala abo nitong mata. May mapulang labi, matangos na ilong, makapal na pantay na kilay at perpekto ang hulma ng jaw nito. Napakagat labi ako sa aking napapagmasdan. Wala sa sarili kong hinawakan ang balikat ng lalaki habang nagiling.
"Who are you?"tanong ko rito.
"I am the Heir and you're my Obsession.."anito sa husky na boses. Napakagwapo ng boses nito na kahit sinong babae ay maiinlove. Napangiti ako sa sinabi ng lalaki.
At hindi ko alam kung panong nangyaring nadala ako nito sa isang kwarto na sa tingin ko ay Condo.
Sabay naming pinagsaluhan ang mainit na gabing 'yon. Kung saan I lost my virginity over a heir..
Nagising ako nang sobrang bigat ng pakiramdam pati katawan. Nanakit din ang aking ulo na parang binibiyak. Hindi ko alam kung pano ko ibabaling ang ulo kong sobrang makirot. Hanggang sa tumama ang noo ko sa matigas na bagay.
"Ouch!"Kinapa ko ito agad. At nanlaki ang aking mata ng matantong muscle iyon. Nasa bisig ako ng lalaki. Napatingala ako at nakita ang lalaking hanggang ngayon ay may suot paring maskara. Mapula ang labi nito at walang kahit anong panis na laway. Hindi rin ito nahilik. Pero nahinga. Syempre buhay siya! Ano kaba naman Shea! Naamoy ko tuloy ang mint nitong hininga. Ang bango! Very masculine.
Malinis itong lalaki. Hindi ko napigilang hawakan ang muka at labi nito. Balak ko sanang tanggalin ang maskara niya kaya lang ayaw nito. Napangiwi ako ng hawakan niya ang aking kamay at halik halikan. Para tuloy may mga paru-parong nagwawala sa aking tiyan. At pakiramdam ko nag iinit nanaman ako. Para akong nakalutang na ewan. Geez! Ang bilis din ng kabog ng dibdib ko na sa tingin ko ay naririnig at nararamdaman na niya. Nakakahiya. Sinubsob ko ang aking sarili sakanyang dibdib. Siya nga. Siya nga ang nakita ko sa national book store. Pero hindi ko alam kung bakit natatakot ako. Isa akong Prinsesa hindi dapat ako nakipagtalik ng ganoon. Paano kung hindi ito seryoso sakin at isa lamang itong one night stand? Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking dibdib.