T-4

1217 Words
Ilang linggo na ang nakalipas nang magkita kami sa Canada. Hindi ko na siya ulit nakita pa. Ang alam ko taga dito lang din sila sa London. Hinanap ko na rin kung may social media account siya pero wala akong nakita. Ang mom at dad niya lang ang merong f*******: account. Hindi rin updated ang account nila. Gosh! Kumain nalang ako ng grapes saka tinigilan na ang paghahanap. Wala rin naman kasi. Kung magkakaroon man for sure poser yun. Hay nako! Nagpagulong gulong ako sa kama. Ilang linggo na din akong di mapakali. Hindi ko na nga sinusubukang lumabas. Dumating si Nyx nitong Sabado ng gabi. We ended up meeting each other inside the Palace, kapag nagbabakasyon siya dito sa palasyo na siya nagsstay in. "Anyeong Haseyo!"masigla nitong saad. Inirapan ko lang siya at sabay na kaming natawa. Bumeso siya sakin at yumakap. Nagmano siya kina Ina at Ama saka nagtungo sa nakalaang silid kung saan nandoon na ang kanyang mga gamit. Dahil simula pa pagkabata ay magkaibigan na kami. Madalas siya dito kung minsan kasama niya pa ang kanyang magulang. Kaya may kwarto na talaga siya dito. Kumain kami ng Black Forest Mallows Cake habang nainom ng wine. Saka niya pinakita sakin lahat ng dala niyang pasalubong. Natawa naman ako kasi kulang nalang dalhin niya na pati Seoul! Sa sobrang dami noon. She's so cold, masungit siya at tipid magsalita. Mahilig siya sa poetry at mataas din ang sense of humor niya. In short matured na talaga siya. Yun nga lang, bihira siya ngumiti. Kabaligtaran ko. Pero kapag sakin ay nangiti at natawa siya. Kumbaga ibang iba siya sa pagkakakilala ng ibang tao sakanya. "How's korea?"tanong ko rito. Tumango lang siya. Ibig sabihin walang pinagbago. Tamad talaga magsalita ito. Kaya walang nakakatagal sakanya e. Kung di lang siya maganda, matalino at higit sa lahat magaling sa leadership kahit na tahimik siya at napaka suplada. Marami pa ding gustong gusto siya. Sikat siya sa Seoul dahil kasali din siya sa Girl group. She do acting and dancing. Kaya nga naganap siya sa ilang korean novela. In short sikat siya! Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay bagay. Shinare ko din sakanya ang tungkol doon sa pagkakawala ng virginity ko. Kaya nakatanggap ako sakanya ng 180 degree slap! Kaliwa't kanan pa talaga! Tiniis kong wag maiyak. Dahil deserve ko naman yun. Lalo na at muka namang walang pakielam sakin yung taong nakakuha nun. "You're so pathetic!"inis na sambit ni Nyx. Napayuko lang ako. Naramdaman ko nalang ang pagyakap niya sakin. Then it hit me, again. Napaluha nanaman ako. Ilang araw na ba akong naiyak? Dahil hindi ko siya makalimutan. Sinabi ko rin sakanya ang tungkol sa pagkikita namin sa Canada during the party. "What did he say?"tanong nito. Nyx is like a sister to me, my bestfriend and my human diary. Kaya naman halos lahat ng sikreto namin sa isa't isa alam namin. Dahil nagsheshare kami sa isa't isa. "nothing."malungkot kong sambit. Eto yung mahirap sa walang kasiguraduhan e. Lalo na yung MU as in mutual understanding lang. Walang label in short Magulong Usapan! As in malabo. Wala kang panghahawakan. In my case, aminado akong nagustuhan ko din. Hindi ko alam pero sobrang attracted ako sakanya sexually. Kahit sino naman ata e. Kahit sinong babae mababaliw sa katulad niya. Ako nga na ilang beses ko palang siyang na encounter in love na ko. Nakakagulat hindi ba? Love at first sight e. Hindi naman ako mabilis mafall pero pagdating sakanya. Fall nako agad. Hindi nako nakapreno. "what's your plan?"tanong niya. "I don't know. Ayokong maghabol, kasalanan ko naman. Saka magmumuka lang akong pathetic loser. Ayokong maging desperada."nakangiti kong saad na alam kong peke. At di nako magtataka na makakatanggap ako ng sabunot. Alam na alam niya talaga kung alin ang tunay sa peke. "Don't used that to me. I know you."aniya saka ako inirapan. Napanguso nalang ako. Kinabukasan, pinayagan ako ni Ama na gumala basta kasama yung mga guard. Para din daw maenjoy ni Nyx ang one week vacation nito. Kaya naman tuwang tuwa kaming dalawa. "C'mon! Halika na. Lets bar."yaya niya nung mag gabi. Galing na kami sa mga park at ilang historical sites dito sa London pero gusto niya paring magliwaliw. Pumayag nalang ako kasi no choice din naman ako. Kapag siya na. She's so bossy pero nasa lugar. Kaya naman napapasunod niya ako. Ganoon din naman ako sakanya e. Kaya ayos lang. Maraming tao, maingay dahil sa music at nakakasilaw ang lightnings dahil sa neon lights. Nagkalat ang mga tao sa loob. They'd socialize well. Marami ang bumati kay Nyx buti nalang nakadisguise ako kaya di ako makilala ng mga tao. "Hi! Nyx!"bati nila. May ilan pang nagpapicture. Medyo dumistansya ako. Delikado kasi e. Tumango lang si Nyx at pokerface sa picture. Although sanay na naman sila sa aurahan at face look ng kaibigan ko. Kaya hindi na nagkakaaberya. "Thank you!"masiglang pasasalamat sakanya ng mga fans niya. "Welcome."sagot naman nito. Ang ganda niya talaga! Oo nga! Ang ganda ni Nyx sa personal! She's sexy too! Ilan lang yan sa mga naririnig kong usap usapan ng mga tao. Maganda talaga si Nyx, brown eyes ito. Pero madalas siyang naka contact lens na kulay blue. At di lang yun, may kulay din ang buhok niya na pa-rainbow. That's cute. Dati long hair siya, brown ang color ng buhok niya tapos black yung real color. Maputi siya, bilugan ang muka, may manipis na kissable lips. Hindi siya singkit, she have a perfect set of almond eyes-shape. Matangkad din siya. Halos same lang yung height naming dalawa. "Let's go. I want to go upstairs."tumango lang ako. Saka sinabayan siya. Ikinawit ko ang kamay ko sa braso niya. Which is ayos lang naman sakanya. Everyone praised her, She look like a Goddess eh. "Who is she?"tanong ng ilang kakilala ni Nyx. "Carma.."aniya. Tumango lang ang mga ito. "She look like a deity."saad naman ng isa. Napangiti si Nyx dahil doon. Tanging ngiti lang din ang nagawa ko. Dahil sa sinabi nung lalaking nag ngangalang Xyrus napangiti niya si Nyx. We excused ourselves at nagtungo sa pinareserve naming VIP table. Kita dito sa glass window ang mga tao sa baba. Habang pinagmamasdan sila. Someone got my attention. Gaya noon, he's wearing a mask. Napatitig ako sakanya habang nakikihalubilo ito sa mga tao. May dala itong baso ng alak sa kanang kamay habang nakikipag usap sa ilang lalaki at halos babae na ang iba na halata namang inaakit siya. I feel a slight pain in my chest. I feel so jealous. Hindi ko napansin na natulala na ako sa inis. Nalaglag na tuloy yung pizza na kinakain ko. At natatapon na pala yung margaritang iniinom ko. "Hey! What's wrong?"takang tanong ni Nyx. Hindi ko ito nasagot agad. "Hey wazzup!"aniya sa pangalwang beses. Doon lang ako nakasagot. "Uhm? Eh? What?"tanong ko rito. "you're spacing out. What's wrong?"tanong niya. Akala niya kung ano lang nangyayari sakin. "He's here."saad ko sa mahinang boses. Naghanap naman siya sa paligid. Then nakita niya din. Kilala niya din sila Mr. And Mrs. Rocketfellers kaya naman kilala niya ang anak nito. "He's not Vlad, sissy. He's Rassel."nagulat ako sa sinabing yun ni Nyx. "Rassel?"taka kong tanong. "Yeah, Kemuel Rassel, Leiron Vladimir's twin brother."I was dumbfounded sa nalaman ko. May twin siya! Kaya pala ganon reaction ni Vladimir eh. Magkaiba sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD