NATALIE'S POV
Habang nasa tricycle kami nitong lalaking mayabang na ito.
" Arrrggg! It's so hot!"- pagrereklamo na naman niya.
Bwisit naman talaga oo. Napaka-arte, eh ano naman ang magagawa niya kung ganito ang klima sa Pilipinas ngayon lalo na magsusummer pa.
" ‘Wag ka ngang magreklamo dyan! Malapit naman na tayo sa bahay namin. Papangunahan na pala kita ahh. Unang una, simple lang ang bahay namin. Pangalawa wala kaming aircon, electric fan lang ang mayroon, sementado naman ang bahay namin kahit papaano. Baka kasi hindi ka sanay sa environment na mayroon kami, mahirap na."- sabi ko sa kanya.
“That’s fine.”- matipid na sagot naman niya. Halata mo naman sa pagmumukha niya na pagod na din naman siya kaya hindi na din naman ako kumibo ulit.
Nang makarating na kami sa bahay nitong si Mr. Kabute.
Agad agad naman akong bumaba ng tricycle.
Hay! Pagod much ako doon ahh.
Biruin mo ba naman? Mula sa mall hanggang sa palengke lang naman ang punta ko, ehh napadpad ako ng di-oras sa shop nila Ninong David para lang tulungang ipapalit ‘yung gulong ni Mr. Kabute.
Then pagkababa ko ng tricycle. Agad agad naman akong kumuha ng isangdaan sa wallet ko. Hindi pa pala ako nagbayad ng pamasahe.
Iaabot ko na sana ‘yung bayad nang…
" Ako na.” sabi ni Mr. Kabute sabay nag-smirk pa siya at nag-abot ng…
“Isang libo???”- gulat na sabi ko.
Eh paano ba naman isang daan lang dapat ang pamasahe namin. Grabe naman ‘yung isang libo.
“What?”- tanong naman niya.
“Keep the change Manong. You may go now.”- dagdag pa niya.
“Salamat po, Sir. “- Sagot naman ni Manong sabay alis naman na siya. Naka-jackpot si Manong ahh. Ang yaman ng pasahero.
“ What now?”-tanong ni Mr. Kabute.
“Ang laki naman kasi ng binayad mo. Dapat one hundred pesos lang eh.”- sabi ko.
Totoo naman kasi, sakin nalang niya sana binigay sukli hahaha. Tutal makikikain naman siya sa amin.
“Its just money.”- sagot naman niya.
Ode wow!
Sige na! Ikaw na mayaman!
Yabang nito.
Kung hindi ka lang gwapo na ibaon na kita sa lupang kinatatayuan mo ehh.
Naaalala ko talaga sa kanya ‘yung ex kong si Dylan. May tattoo din kasi si Dylan na kagaya nang kay Mr. Kabute at alam kong member lang ng gang na DayBreak Boys ang mayroong ganoong tattoo.
“Hey.”- sabi niya. Mukhang natulala yata ako sa tattoo niya sa braso.
" Okay , sige ikaw na mayaman!"- sabi ko sabay inirapan ko siya.
Nang tumalikod ako.
Narinig ko pang napa-chuckle siya.
Cute din pala ng pagtawa niya , kahit bagya lang.
Then dumiretso na ako para pumasok ng bahay.
Malapit na sana ako nang mapansin kong parang hindi pa siya sumusunod sa akin papasok ng bahay.
Kaya liningon ko naman siya.
Hayyy! Nakatayo pa siya sa daan.
" Huyyy! Ano pa bang ginagawa mo dyan? Anong hinihintay mo? Red Carpet papasok sa bahay namin? Hello!!! Hindi po kami mayaman Mr. Kabute kaya huwag ka nang aarte arte okay? Tara na! Pasok bilis! "- utos ko sa kanya.
" Okay! Hindi mo man lang ba ako pahihiramin ng slipper? s**t ang init na dito ohh. "- pagrereklamo niya. Hindi ko napansin wala nga pala siyang suot na tsinelas or sapatos.
Hayyy!!! Jusko!!! Ang arte ng lolo niyo.
Sana hindi ko na tinulungan ‘to nakaka-stress.
Napaisip naman ako bigla…
Bakit ko nga ba tinutulungan 'tong lalaking 'to???
Ahhh… alam ko na!
Kasi nga. Nakokonsensiya ako . Dahil tinulak ko siya sa tricycle ni Manong Batangeno.
‘Yun lang yun! Period , tuldok.
" Pumasok na tayo sa loob para naman hindi na mainitan ‘yang mga paa mo. Tara na bilis! "- sabi ko sabay hatak sa kanya.
Then pumasok na nga kami sa loob ng bahay.
Pagkapasok namin…
Nagtaka naman ako kung bakit nanlaki ang mga mata ni Mama.
Mabuti na lamang at wala pa si Papa kung hindi ano ano na naman iisipin sakin at may kasama akong lalaki na inuwi dito sa bahay.
" Ohh? Ma! Ba't ganyan naman 'yung mga mata niyo baka matakot 'tong bisita ko ohh.."- sabi ko kay Mama.
" Ahhm. Ehem! Ehem! *cough* *cough*"- kunwaring ubo ni mama.
Then napatingin naman ako sa kanya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
Then . Ngumuso naman siya…
Paturo dun sa…
T-teka???
Hawak hawak ko nga pala yung kamay niya…
Kasi nga diba??
Hinatak ko siya papasok ng bahay namin!
Nako! Nako!
Kaya pala ganoon na lamang kung maka-tingin si Mama.
Kaya dali dali ko namang binitawan.
" Ahh. E-ehhh. Ahaha. Kasi ayaw pa pumasok sa loob nitong Mr. Kabute na'to kaya ayun hinatak ko siya papasok. Kaya ‘wag madumi ang utak huh Ma???"- Pagpapaliwanag ko.
" Akala ko naman naka-move on kana ehh. Sayang! Tsk! Tsk! Tsk! "- sabi ni Mama sabay may pailing iling pa.
Naka move on na ako syempre. Pero hindi ko alam kung ano ang reaksiyon ko kapag nakaharap ko ulit si Dylan.
Tsaka ko na ikekwento sa inyo ang buong istorya hindi naman siguro kayo mga Tsismoso/tsismosa diba? Diba?
" Mama naman ehh. May bwisita ay este BISITA ako ohh. ‘Wag ka na ngang magulo . Ako nalang po magluluto nitong sinigang. "- pagpriprisinta ko. Para naman matigil na ang mga katanungan sa akin ni mama.
" Oh, sige na! Ako na mag-aasikaso sa bisita mo. Ang gwapo ehh noh? Tara na dun tayo sa sala ijo.. "- aya ni Mama kay Mr. Kabute. Then lumakad na si Mama papuntang sala.
“Ma! Nasaan nga pala si Nica?”- tanong ko kay mama. Si Jenica or Nica ‘yung kapatid kong bunso kong kapatid at mayroon siyang sakit na ADHD or Attention Deficit Hyperactivity Disorder.
“Ahh. Nasa kwarto sila anak. Natutulog pa sila ni Daryl. Napasarap ang tulog. “- sagot naman ni mama. Si Daryl naman ang pangalawa sa aming magkakapatid, ten years old na siya then si Nica is 5 years old naman.
“Ahh. Okay po.”- sagot ko.
" Oh Iho?? Tara dun tayo sa sala para makapag- pahinga ka muna."- aya ulit niya kay Mr. Kabute.
" Masakit pa po kasi 'tong paa ko. Na-sprain yata or fracture yung nakuha kong injury sa pagkakalaglag ko sa tricycle."- sabi niya.
Hmmpp! Tama lang sa'yo 'yan masyado ka kasing mayabang.
Hala baka isumbong pa ako nito kay mama.
" Ano? Bakit at tsaka paano kang nahulog sa tricycle?"- tanong ni Mama sa kanya.
Ako na ang sumagot para sa kanya.
" Ahh . Hindi po kasi siya kumakapit sa tricycle ehh. Kaya ayan . Nakapala. Nahulog siya.”. sabi ko.
Ako na ang sumagot kasi kapag nalaman pa ni Mama niyan na tinulak ko yang si Mr. Kabute sa tricycle baka pagalitan pa ako.
Hindi naman na nakapag salita si Mr. Kabute. Pero isa lang ang nabanggit niya.
" LIAR."- bulong niya.
Pabulong lang.
Kasi nilakihan ko siya ng dalawa kong mata.
Hahaha. At tsaka nasa bahay namin siya noh.
" Sige na! Doon na kayo sa sala. Magluluto na po ako.
Ayoko ng may ISTORBO. "- sabi ko talagang diniinan ko yung pagkakasabi ng ISTORBO habang nakatingin ako kay Mr. Kabute.
" Oo nga. Tara na iho. "- aya ulit ni Mama sa kanya.
Inalalayan naman siya ni Mama papuntang sala.
Then nung nakaalis na sila sa kusina.
Binaba ko na muna yung mga ingredients na nabili ko sa palengke.
Aayusin ko muna yung mga gagamitin ko sa pagluluto bago ako mag simula..
Inayos ko na lahat ng ingredients sa pagluluto ko.
At nagsimula nang mahiwa ng kangkong, gabi at iba pa.
Then , habang naghihiwa ako ng baboy para palambutin…
" ARAY KO POOOO! MAMA!" -Sigaw ko nang mahiwa ko ang daliri ko.
Maliit lang naman siya. Pero ang hapdi hapdi. Makunat yata ang baboy na nabili ko at mahirao hiwain kaga medyo dumulas ‘yung kutsilyo at nahiwa ng bahagya ang daliri ko.
Agad namang sumulpot si Mr. Kabute. Oh diba? Kabute talaga ‘to agad agad sumusulpot eh.
" Anong nangyari sa'yo??? WHAT?"- Pasigaw na tanong ni Mr. Kabute sakin . Habang humihingal hingal pa. Medyo malayo rin kasi yung kusina namin sa Sala.
Hmmp. Akala mo naman concern, but sa totoo lang, hindi naman talaga.
"Walang nangyari , kaya bumalik kana dun pwede? "- Pagsusungit ko sa kanya.
"What? Nothing? But, what's that? Puro dugo na yung daliri mo. Akin na nga ‘yan. So clumsy."-sabi niya , sabay kuha sa kamay ko.
" Ano ba? Kaya ko na okay? Ako na! Tsaka pwede ba, ‘wag ka nang makialam pa! Kaya kong linisin 'tong sugat na 'to , maliit lang naman ehh tsaka malayo 'to sa bituka , get it?"- Sabi ko . Napapa-English tuloy ako dahil sa taong 'to.
" Akin na nga sabi eh! Bakit ba ang kulit mo? I just want to help you, and I didn't see anything wrong with that. Look! It's still bleeding. Arrgggg!! I can handle it . Akin na 'yang kamay mo and don't you dare, to say that you can because I can do it for you. Okay?"-sabi ni Mr. Kabute kaya speechless nalang ako.
Nganga ako dun ahh.
Baka pati ilong ko magbleed din niyan.
Kaya ayun nga wala na akong nagawa.
Then hinugasan niya yung daliri kong nahiwa or may sugat.
"Okay na? Is it painful? Or what? Just tell me . "- Sabi niya. Awww. Concern ba talaga 'to? Oh ano? Baka naawa lang.
"Okay na ako.. Thank you. "- sabi ko sabay talikod sa kanya.
Pero pagtalikod ko...
"AAAAAHHHHHHHHHH"-Sigaw ko.
Epic nga naman OO.
Nadulas lang naman ako. Noong saktong pagtalikod ko sa kanya. Nagslide ako.
Huhuhu.
Then nagprocess bigla sa utak ko kung nasa anong posisyon kami ni Mr. Kabute ngayon. Nakapatong lang naman siya sakin . Dahil nung nadulas ako. Sabay nahablot niya ang isang braso ko tsaka nadulas din siya kaya ayun.
Kablag!!! Ang inabot naming dalawa.
Nung makaramdam naman na ako ng pagkailang dahil nga sa posisyin namin ngayon.
Tatayo na sana ako ng biglang...
"Tapos na ba yung nilulu--------------- hooooyyyyy!!! Anong ginagawa niyong dalawa ha? Ang babata niyo pa para sa ganyang bagay . Ano ba 'yan!!!"- sigaw ni Mama.
Tatayo na nga sana ehh noh? Kaso dumating pa si Mama. Hayyyy! Nakita pa tuloy kami sa ganoong posisyon . Ano ba naman yan! Mabuti na lamang talaga at wala si Papa, mamaya pa ang uwi niya.
Tinignan ko naman kung bakit kami natumba.
Then pagkatingin ko sa sahig.
May kangkong palang nahulog tsaka yung pinagbalatan ko ng gabi para sa sinigang.
Hayyy! Oo nga pala. Madulas 'yung balat ng gabi . Ano ba naman :yan! Ang kalat ko naman kasi magbalat . Ayan tuloy.
Hayyy!!! Bwisit!
"Arrrrrgggg! Kainis naman oo.
Ahh. Mama. Kung ano man po ang nasa isip niyong ginagawa namin, hindi po ganun 'yun okay? Na-out of balance lang po kaming dalawa. Kahit na tignan niyo pa. Natapakan ko po kasi yung balat ng gabi , ehh ang dulas dulas pala, kaya ayun! Nagkalabog kaming dalawa nitong si Mr. Kabute."-pagpapaliwanag ko kay Mama.
Sabay tumayo na kaming dalawa mula sa pagkaka-slide namin sa sahig. Akala niya kung ano na ang ginagawa namin. Hayyy! Oo , nagkaboyfriend na ako at OO nasaktan din ako. Pero hindi naman ako agad ganun kabilis makapag-move on noh para makipag landian agad sa lalaki.
Tsaka ko na talaga ikekwento sa inyo 'yung nangyari kung bakit ako galit sa mga lalake ngayon, and besides broken hearted pa din ako.
" She's right , wala po kaming ginagawa, kung ano man po ang iniisip niyo hindi po ganoon 'yun . I just wanted to help her para hindi siya matumba , but, I was wrong , natapakan ko din po yung balat ng gabi? And this green vegetable. So... Ayun po nagslide kaming dalawa and we went on into that position. "paliwanag ni Mr. Kabute kay Mama .
Patawa pa 'to ehh noh? Yung pagkabigkas niya sa gabi. Gabi , yung gabi na Night in English. Hahaha.
Pati na din yung kangkong , hindi niya alam . Sabi lang niya green vegetable. Katuwa naman 'to. Daig pa 'yung bagong silang.
"Okay na! Okay na! Ahh. Iho? 'Yung gabi hindi yun yung Night sa english. Mabagal lang yung pagbigkas para alam mo. Ga-----bi. At yung green vegetable kanina sabi mo? Kangkong iyon . Ahh, anong sabi mo kanina anak? Mr. Kabute? Ano? "- may halong pagiiritang tanong ni Mama sakin.
" Ahh. 'Yun po ba? 'Yan po! Siya si Mr. Kabute, paano ba naman Mama , agad agad sumusulpot 'yan galing kung saan , diba ganun yung mga kabute?."-Tanong ko pa kay Mama.
" Ahh, ganoon ba? Ohh sige na ako nalang magtutuloy dyan sa niluluto mo. Doon nalang kayo ni Mr. Kabute sa sala. Manood kayo dun ng T.V"-sabi ni Mama.
Sabay tulak saming dalawa ni Mr. Kabute.
" Ma! 'Wag mo na nga kaming itulak! Mamaya niyan madulas na naman kami ehh."- pagrereklamo ko.
" Okay!"-sagot ni Mama.
"Okay na! Let's go to the Living Room Ms. Kangkong."- sabi ni Mr. Kabute sabay hinila niya ako habang papunta kaming sa sala.
At a-ano daw?
Ms. Kangkong?
Hmmpp. Gaya gaya naman 'yun porket tinatawag ko siyang Mr. Kabute.
Noong makarating na kami sa sala. Umupo agad siya sa sofa.
Then , tinaas niya yung dalawa niyang paa sa lamesa.
"Ms. Kangkong, can you please turn on the electric fan?"-utos niya sakin.
Hayyy! Buti nalang may electric fan kamo kahit papaano . Then sinindi ko naman 'yun. Hindi naman sa nagpapauto ako sa kanya or gusto ko siyang sundin. Syempre , sinunod ko nalang siya dahil tinulungan din naman niya akong linisin 'yung sugat ko.
"Ohh , ayan na po Mr. Kabute I already turned it on na po. Happy?"- sarkastiko kong tanong sa kanya.
Ka-feeling masyado siyang feel at home.
Hayaan na nga.
" Yhup! Happy ! Thanks ! Pakilipat nga yung channel. I want in Cinema 1. Diba naka cable naman yata itong television niyo. So, pakilipat naman ohh. Please..."-sabi niya sabay nagpuppy eyes pa .
Kaya nilipat ko naman agad para wala nang maraming usapan.
Then pagkalipat ko...
Umupo ulit ako sa sofa , bale katabi ko siya but, hindi kami ganun kalapit sa isa't-isa. Ahm. Mga 30 inches siguro yung layo namin sa isa't-isa nitong si Mr. Kabute. Hindi naman kasi ganoon kalaki 'yung sofa namin. Good for two to four person lang naman siya.
" Thank you again. Ang bait mo naman pala talaga, pero bakit nakuha ka niyang lokohin. "-sabi niya . Huh. Pinuri pa ako .
At anong sabi niya?
Ang hina kasi ng bandang huli niyang binanggit.
Maya maya lang . Tahimik lang kaming dalawa. Nanonood kasi kami ngayon ng movie.
She's the one yung title.
Lumipas pa ang ilang minuto na tahinik kaming dalawa.
Nabigla naman ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Tsaka siya nagsalita na talagang nabigla ako ng sobra sobra.
"Ahhm... Ms. Kangkong... May boyfriend ka na?"
Itutuloy...