NATHALIE'S POV
Ilang araw pa ang lumipas hanggang sa isang linggo na ang napadaan ko at heto ako ngayon, wala pa din akong nahahanap na trabaho.
Kung hindi lalaki ang hinahanap, 'yung iba naman kailangan is full time. Eh paano ko naman gagawing full time na magtrabaho, nag-aaral pa lamang ako at nasa second year college pa lang ako, dalawang taon pa bago ako mahanap ng permanenteng trabaho na may stable na sahod.
Hay Buhay.
Panginoon magbigay ka naman ng sign kung tatanggapin ko ba o hindi 'yung inaalok sa akin ni Mr. Kabute.
Alam kona! Ang sign is, kapag wala pa din akong nahanap na trabaho ngayong araw is, no choice na talaga.
NO CHOICE. TATANGGAPIN KO NA IYONG OFFER NIYA.
Kung hindi ako makahanap ng trabaho ngayon na swak sa schedule ko sa school or pang part time.
Sabado na ngayon at nandito ako sa aking kwarto para maghanap ng susuotin para sa paglalakad ko sa paghahanap ng trabaho.
Kumatok naman bigla si mama sa kwarto ko.
"Palabas na po ako mama."- sabi ko sabay mabilis nang nagbihis at lumas na sa kwarto.
"Oh? Mag-iisang linggo na iyong leave mo sa trabaho diba? Sa lunes ba ang pasok mo ulit?"- tanong ni mama.
Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho.
"A-ah, E-eh, O-oo po mama, sa lunes po papasok na po ulit ako sa trabaho. Mabuti pop at natanong niyo?"- pakunwaring tanong ko kay mama.
" Ahh, kulang kasi ang pangpa-therapy ng kapatid mo anak, tatanungin sana kita kung mayroon ka pang natitirang pera. Wala pa din kasing nahahanap na pag-eextrahan ang tatay mo at hindi pa siya sumahod doon sa shop ng Ninong David mo. Hindi din naman siya makakapag-advance sa Ninong David mo dahil mayroon pa raw silang binabayaran sa pinapagawa nilang bahay."- malungkot na sabi ni mama.
"Ahm... Tingnan ko lang po iyong bag ko mama, sandali lang po."- sabi ko.
"Saglit lang anak, saan ka nga pala pupunta at mukhang bihis na bihis ka?"- nagtatakang tanong ulit ni mama.
"A-ah, doon lang po kila Sadara mama, magvivideo po kasi kmai para sa school project, ngabihis na po ako para hindi na ako magagahol sa oras sa pagbibihis sa kanila at hindi ko na isa pang dadalhin 'yung mga damit na gagamitin."- sagot ko.
Patong patong na ang pagsisinungaling ko.
Ano ba naman 'yan!
Sorry po mama, papa at mga kapatid ko.
Kailangan lang talaga.
Alam ko naman maiintindihan niyo rin ako.
"Ahh, ganun ba."- palagay na sagot ni mama.
"Sige po, ma. Tignan ko na po iyong wallet ko sa loob ng kwarto."- sabi ko sabay pasok ulit sa kwarto.
'Pag tingin ko naman sa wallet ko. Mayroon pa akong walong libo. Pinagsama-sama ko na nga pala kagabi 'yung mga pera na natitira ko galing sa huling sweldo na mayroon ako.
Medyo malaki pa naman ang natitira.
Pero alam naman natin na sa hirap ng buhay, mabilis lang ang pera kapag ito'y nabaryahan na.
Ang isang libo, parang isang daan na lamang sa panahon ngayon sa sobrang mahal ng mga bilihin at gastusin pa sa bahay.
Kaya kailangan ko talagang magpursigi na makahanap na ngayon ng trabaho.
Kinuha ko naman iyong apat na libo sabay lumabas na ulit ng kwarto at iniabot kay mama.
"Heto po mama, hayaan niyo po kapag may sweldo na ulit ako, ibibigay ko po sa inyo ang kalahati."- sabi ko kay mama sabay ngiti sa kanya.
"Naku anak, 'wag naman. Kahit na 'wag na kalahati anak, ipunin mo nalang ang sosobra sa sweldo mo para sa pag-aaral at upang makabili ka rin ng mga gamit na gusto mo. Nandiyan din naman ang papa mo para magbigay sa akin. Maraming salamat at nandiyan ka din anak."- sabi ni mama sabay ngiti pabalik sa akin.
Niyakap ko naman siya.
"Ang drama naman mama, basta sama sama tayo, wala nang nagkakasakit at masaya, swerte na tayo dun."- positibong sagot ko kay mama.
"Tama ka diyan anak! Oh siya, baka hinihintay ka na ni Sandara. Mag-iingat ka ha. Salamat ulit anak. "- pagpapa-alala ni mama sa akin.
" Sige po mama. Walang anuman po."- sabi ko sabay kinuha ko na ang mga papel na kailangan ko sa paghahanap ulit ng trabaho.
Tuwing umaalis ako ay patungkol sa group project lang ang pinapaalam ko kay mama. Kaya sana naman makahanap na ako ng trabaho ngayon.
Una akong pumunta sa isang bakery shop.
May nakalagay kasi na wanted sales lady.
"Hello po, naghahanap pa po ba kayo ng sales lady?"- tanong ko kay Ate.
"Ay, hindi na po, ate. Julia! Bakit hindi mo pa tinanggal itong karatula. Napaka-tamad mo talagang bata ka!"- sabi ni Ate.
"Pasensya na Iha, mayroon na kasi kaming nakuhang sales lady. Nakalimutan lang tanggalin 'yan ng anak ko."- pagpapaliwanag pa niya.
"Ahh, okay lang po 'yun. Salamat po."- sabi ko sabay umalis na at lumakad ulit.
Ilang minuto pa at nakahanap ulit ako ng sign board na naghahanap ng tao na magtatrabaho para sa kanila.
Isang coffee shop ang nakita ko.
Naalala ko tuloy iyong Coffee Shop ni Sir George.
"Good afternoon po, hiring pa po ba kayo dito?"- magalang na tanong ko sa isang babae.
"Ahh, yes. You may seat. By the way, I'm Janice, the manager of this coffee shop. May I see your resume?"- tanong naman ni Ma'am.
"Thank you, Ma'am. I'm Nathalie Bondoc po. Here's my resume."- sabi ko sabay abot ng resume ko kay Ma'am.
"Ohh... You are a second year college student?"- tanong ni Ma'am.
"Yes po. Working student po ako from first year."- sabi ko.
"Ah, okay. By the way wala na pala kaming vacant for employee na pwede sa afternoon to evening. Mayroon din kasi kaming mga working students like you. And if your schedule is from 6:00 am in the morning up to 2:00 pm in the afternoon therefore you can have this job as a waitress or server."- sabi ni Ma'am.
Sayang naman.
Okay na sana, hindi sila naghahanap as full time employee kaso hindi naman pwede sa schedule ko sa school.
"Ahh, pang-umaga po kasi nag pasok ko Ma'am eh, sayang naman po."- malungkot na sabi ko.
"Oo nga, sige ganito na lang. Iwanan mo nalang iyong cellphone number mo sa akin at iyong full name mo para in case na mayroon mag-resign, tawagan ka nalang namin. Is that okay?"- sabi ni Ma'am habang nakangiti pa. Ang bait naman nito, sana may mag-resign haha, joke lang.
Ang sarap siguro magtrabaho kapag ganito kabait ang boss mo.
"Okay na okay po, Ma'am! Ang bait niyo naman po. Heto po ang number ko tsaka full name."- Sabi ko sabay bigay kay Ma'am Janice 'yung papel.
"Okay. Ingat ka."- sabi pa niya.
"Okay po, maraming salamat po, Ma'am Janice."- pagpapasalamat ko sabay ngiti sa kanya at umalis na.
Nagpatuloy ulit ako sa paghahanap ng trabaho hanggang sa alas-kwatro na ng hapon.
Panigurado hinahanap na din ako niyan ni mama.
Kailangan kong bilisan maghanap ulit.
May nakita ulit akong mga karatula na looking for sales lady, cashier etc.
Pero...
Wala.
Wala pa din. Hindi daw sila naghahanap ng employee na for part time lang.
Ang kailangan daw nila is full time na magtatrabaho sa kanila.
Hay.
Paano na.
Lord, ito na po ba talaga ang sign?
Bigla namang nag-ring ang cellphone ko.
"Anak. Pwede bang umuwi kana dito sa bahay kung tapos na kayo ni Sandara sa inyo project? Wala kasing magbabantay sa mga kapatid mo lalo na dito kay Jenica."- sabi ni mama.
"Mayroon kasing pinapalabahan sila Aling Flora sa bahay nila, sayang din naman ang ibabayad nila."- dagdag pa ni mama.
Mukhang wala talaga.
Bahala na nga muna.
Kailangan ko na palang umuwi.
"Sige po mama, tapos na po kami. Pauwi na po ako."- sabi ko kay mama.
"Sige anak. Mag-ingat ka."- sagot ni mama sabay baba na ng telepono.
Sumakay naman na ako ng motor para umuwi na din ng bahay.
Nagtataka siguro kayo kung bakit medyo malapit lang sa bahay namin o lugar namin ang pinaghahanapan ko ng trabaho.
Gusto ko kasi 'yung isang sakayan lang para kapag mayroong emergency madali lang ako makakauwi sa amin at hindi ganoon kamahalan ang pamasahe kapag papasok.
Malaki din kasi ang nagagastos ko sa pamasahe kapag may pasok ako sa school, nagbabaon na lang din ako para less gastos dahil idagdag mo pa ang mga projects sa mga gastusin ko sa school lalo na ngayong college, hindi pwede ang basta basta or pwede na sa pagpapasa ng mga school works.
Mabuti na nga lang talaga at scholar ako.
Pagkauwi ko ng bahay, umalis na din si mama. Mukhang aabutin na siya ng gabi sa pakikipaglabada doon kila Aling Flora.
Hintayin ko nalang niyan si Papa, maya maya at uuwi na din naman iyon.
Masaya namang naglalaro ang dalawa kong kapatid na sila Daryl at Jenica.
Habang tinititigan ko si Jenica, pumapasok sa isip ko ang alok sa akin ni Alden.
Nakatulala lamang ako sa dalawang kapatid mo na naglalaro. Hanggang sa...
"Hay, ano ba 'yan."- sabi ko na may kasabay pang buntong hininga.
Sabay napatingin naman 'yung dalawa sa akin.
"Ate, okay ka lang?"- tanong ni Jenica.
"Oo nga ate, bakit ba napapabuntong hininga ka diyan ate? May problema po ba?"- tanong naman ni Daryl.
"Ahh, wala 'to. Pagod lang si Ate."- sagot ko naman sabay ngiti sa kanila.
Bigla namang tumayo sa pagkakaupo niya si Jenica sabay nagpunta sa kusina.
Pagbalik naman niya ay may dala dala na siyang isang basong tubig.
"Ate oh, inom ka ng tubig. Pagod ka nga siguro."- sabi niya sabay abot sa akin ng baso at umupo ulit tsaka nagpatuloy sa paglalaro.
"Thank you, baby ko."- sagot ko.
Sabay nilapitan ko sila sabay niyakap.
"Love na love kayo ni ate kaya palaging magpapakabait ha?"- sabi ko sabay ngiti ulit sa kanila.
"Opo, ate."- sabay nilang sagot.
Bigla akong nabuhayan sa mga ngiti na nakita ko mula sa aking mga kapatid.
Siguro nga, 'yun na sign mo Lord.
Gagawin ko 'to para sa mga kapatid ko at sa pamilya ko.
Kaya naman kinuha ko ang aking telepono sabay nag-type ng message.
"Pumapayag na ako sa offer mo, wala na akong choice."
Sabay hinanap ko ang cellphone number ni Alden.
Pumikit muna ako.
Nagbilang ng sampung segundo.
Tsaka ko pinindot ang send button ng telepono.
"Ikaw na bahala sa'kin Papa God."- bulong ko sa sarili.
Sabay binaba ko na ang telepono at bigla na din namang dumating si Papa.
"Mano po, Papa."- sabi ko sabay nag-mano ako kay Papa.
Sumunod din na nagmano ang dalawa kong kapatid.
"Oh, nasaan ang mama niyo?"- tanong ni Papa sa akin.
"Ahm. Nandoon po kila Aling Flora Papa, mayroon daw pong pinalaba sa kanya, sayang daw po ang bayad eh."- sagot ko.
"Ahh, ganoon ba. Oh siya, kumain na kayo niyan ng mga kapatid mo ng hapunan. Hihintayin ko nalang ang mama niyo oara sabay na kami kakain. Magpapahinga na muna ako."- sabi ni Papa sabay umupo din, at binuksan ang telebisyon.
"Sige po, Papa."- sagot ko.
Ilang oras at dumating na din naman si mama.
At pagkatapos din namin maghapunan ay naghugas na ako ng plato para mapahinga sila mama at papa mula sa pagtatrabaho.
Hayaan niyo po, kapag naka-graduate at nagkatrabaho na ako, hindi na kayo magtatrabaho. Ako na ang magtatrabaho para sa inyo.
Pagkatapos ko magligpit pa ng ibang kalat ay pumasok na din ako sa kwarto ko.
Napatingin naman ako sa aking telepono.
May isang bagong message.
Pagkabukas ko, message na galing kay Alden.
"Let's meet tomorrow, after my class. 5 o'clock at the mall kung saan tayo first nagkita."
Iyan ang laman ng message. Nag-reply naman ako ng okay.
Sa pagmumuni-muni ko at pag-iisip kung tama ba ang desisyon ko ay nakatulog na rin pala ako.
ALDEN'S POV
"Okay class, let's call it a day. Goodbye!"- Ma'am Tubay said.
"Don't forget to review for your quiz ha?"-dagdag pa niya.
It's Sunday, and yes may pasok kami. It's intended for make-up class.
Last subject na namin iyon for this day.
And it's 4:30 in the afternoon.
Kaya naman didiretso na ako ng mall niyan dahil sa usapan namin ni Nathalie.
Nag-reply naman siya ng "okay" kahapon kaya I'm sure na dadating 'yon.
Lumabas na ako ng campus sakay sakay ang kotse ko at nag-drive na papuntang mall.
Pagdating ko sa mall nag-oder muna ako ng milk tea for us.
And ilang minuto lang ay nakita ko na rin naman si Nathalie.
Nakasuot siya ng pants and polo-shirt na maroon.
"Hi."- bungad niya.
"Here."- sabi ko sabay abot ng milk tea at lumakad na palabas ng mall.
Bigla naman siyang natigil sa paglalakad.
"Wait. Akala ko ba dito tayo mag-uusap."- nagtatakang tanong niya.
"Nope. Tara sa may park. Sa mayroong kaunti lang ang tao, para makapag-usap tayo ng masinsinan."- I said. Ang dami kayang tao sa mall.
And ayoko ng maingay kapag may serious matters na pag-uusapan.
"Okay, sabi mo eh."- sagot niya.
Sabay sumakay na siya sa kotse at umalis na kami ng mall.
Pagdating naman namin sa park.
Umupo kami sa may bench.
Mabuti pa dito medyo kaunti lang ang tao, mga naglilibot lang na parents with their child or children.
And mayroon pang fresh air.
"Okay, so bakit nga ako?"- bungad na tanong niya.
Okay, let's start this.
"Okay, so you're Dylan's ex-girlfriend right? and so... I will introduce myself to you again. I'm Alden, the President of the Fught for Right Organization and Dylan's bestfriend na inagawan niya ng girlfriend."- sabi ko na talagang ikinagulat niya.
"A-ano? H-hindi p-pwede..."- nauutal na sagot niya.
Alam ko kilala niya ko. Not with my name but with what was her ex-boyfriend done to me.
"Yes! Tinraydor ako ni Dylan, and I know, I know Nathalie na mahal mo pa si Dylan hanggang ngayon."- dagdag ko.
"Alam mo ba na kaklase ko silang dalawa ng ex-girlfriend ko na pinalit niya sa'yo?"- sabi ko pa.
"And I hate seeing them sweet in front of me, dahil mahal na mahal ko pa din si Shanelle hanggang ngayon. Alam kong ganito din ang nararamdaman mo, mahal na mahal mo pa din si Dylan. He's your first love right?"- tanong ko pa.
"Tama na..."- sabi niya habang nangingilid na ang mga luha niya.
"Minahal ko lang naman siya, at oo hanggang ngayon mahal ko pa din siya. Araw-araw naiisip ko pa din siya. Pero hindi ko maisip na lolokohin niya ko dahil nangako siye eh."- sabi niya, patulo na ang mga luha niya.
"I see, I see in your eyes, Nathalie. From the first time na nakita kita, I know na mahal mo pa din si Dylan. I know you by your name at because of your pictures na pinapakita sa akin ni Dylan because he's my best friend, BEFORE. Akala ko nga kuntento na siya sayo."- sabi ko.
"Akala ko din sapat na ako. Pero akala ko lang pala. Minsan nga naiisip ko na sana... sana... sana nananaginip na lang ako. Hindi kasi pumasok sa isip ko na iiwan niya ko."- sabi niya sabay tuluyan na ngang tumulo ang luha niya.
"Sorry, sorry to make you feel this way again."- sabi ko.
"But, let me ask you. Do you want him back?"- sabi ko.
"Kung pwede pa naman naming maayos at ibalik ang dati."- sabi niya.
"Pipiliin at pipiliin ko pa din siya."- dagdag pa niya.
"Alam mo ba 'yung pakiramdam na nagplano kayo for the future, tapos biglang ikaw nalang... ikaw nalang mag-isa 'yung naiwan. Paano mo bubuoin ang future na 'yun kung 'yung kasama mong bumuo ay iba naman pala ang gustong kasama at hindi ikaw."- sabi niya sabay punas sa mga luha niya.
"I understand you."- sabi ko.
"So, do you want him back?"- tanong ko ulit .
"Alam kong desperada na ako kung sasabihin ko ulit na oo. Pero, oo, siguro ngayon gusto kong bumalik siya sa'kin dahil iniwan niya ako ng walang sapat na dahilan. Alam kong hindi naman agad agad mawawala 'yung pagmamahal niya sa'kin"- sabi niya.
"And yes, alam ko... siguro nga... natukso lang silang dalawa. And maybe, they both need to realize na hindi naman pala nila talaga mahal ang isa't-isa. Maybe naghanap lang sila ng tao na makakasama in times na wala tayo."- sabi ko.
"Siguro nga, noong panahong busy ako sa trabaho at sa pamilya ko. Nakahanao siya ng comfort sa piling ng ex-girlfriend mo."- sabi naman niya.
"You're right. Maybe kaya lang din naging comfortable si Shanelle with Dylan is because I'm too busy on being a President in an organization. Hindi natin namamalayan na... sa iba na pala sila nagiging masaya."- sabi ko pa.
"So, kaya mo ako pinagpapanggap na girlfriend mo ay para gantihan si Dylan?"- diretsong tanong niya.
"Oo. I want Shanelle back, and it's what you wanted too, na bumalik sa'yo si Dylan. We will make them realize na hindi naman nila talaga mahal ang isa't-isa."- sagot ko.
"Sige, payag na ako. Pero, may sinabi ka din na babayaran mo ako diba?"- tanong ulit niya.
"Papayag ako na magpanggap na girlfriend mo para bumalik sa'yo si Shanelle at bumalik sa akin si Dylan. Pero kung hindi ko man 100 percent na mapapabalik sa akin si Dylan, okay na sa akin na maging kayo ulit ni Shanelle."- pagpapaliwanag pa niya.
"So, okay lang sa'yo kung hindi ka balikan ni Dylan ulit?"- tanong ko.
"Oo, kasi kung hindi naman na talaga niya ako mahal, wala naman na akong magagawa 'don. Ang concern ko ngayon is diba babayaran mo naman ako para sa pagpapanggap ko na maging girlfriend mo?"- tanong din naman niya.
I know this is for her family and not fully for her wants.
"Yes. I'll pay you too."-sagot ko.
"Okay! So parang bonus nalang din sa akin kapag bumalik sa akin si Dylan."- sabi niya.
"Okay then, I'll pay you 5,000 every week."- sabi ko sa kanya.
"Okay!"- sabi niya.
"Kailan ba 'to magsisimula? Kailangan ko na kasi ng pera. Ang alam ng mga magulang ko ay nagtatrabaho pa ako doon sa coffee shop."- malungkot na sabi niya.
Now I understand her.
Tinanggap niya 'tong offer ko because of her financial needs to support her family and not to wish Dylan come back to her but maybe baka ayaw lang niyang aminin sa akin.
"Bukas."- sabi ko.
"Agad agad?"- sabi naman niya.
"You need the money right away, right? So, we must start the plan. By the way, scholar ka sa school niyo diba?"- tanong ko.
"Oo, at napakalaking tulong noon sa akin."- sagot naman niya.
"I have an idea, para palagi tayong magkasama and maging effective ang plano is mag-transfer ka sa University namin."- offer ko ulit.
"Pero paano?"- sabi naman niya.
"I can get you a scholarship slot through our organization and isa naman sa stockholders ang pamilya ko sa University. I can ask for a scholarship for you and I know you deserve it naman siguro, right? And kahit hindi tayo magkaklase, it's fine, atleast nasa iisa tayong campus."- pagpapaliwanag ko.
"Sige, basta ikaw ang bahala sa expenses ko ha? I-text mo nalang sa akin mamaya ang mga kailangan kong dalhin para makapag-transfer ako."- sabi niya.
"Okay. So, are we clear with the plan? Deal?"- sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kanya.
"Deal."- sabi naman niya sabay nag-shake hands kami.
It's already 7:00 pm in the evening.
"Gabi na din pala. Kailang ko nang umuwi."- sabi ni Nathalie.
"Okay, hatid na kita?"- sabi ko.
"Ahh, hindi na mag-commute nalang ako. Dadaan pa kasi ako sa shop ni Ninong David."- sabi naman niya.
"Okay, see you again, see you tomorrow, I guess?"- sabi ko.
"Okay, bye!"- pagpapaalam niya sabay lumakad na palayo.
Lumakad na din ako papuntang kotse at sumakay na din para umuwi.
Wait for my revenge, Dylan.
Hawak ko na ang alas, and it's Nathalie.
ITUTULOY...