" Rachel.. I love you! "
" I love you too! " sagot ko.
THEN..
Bigla na lang nawala sa paningin ko si Daniel. Naramdaman ko na parang may yumuyugyog sa akin. " Rachel!" sabi ng boses at patuloy pa rin akong niyuyugyog. Napamulat ako ng mata. Hinanap sa paligid si Daniel at nagbasakaling nandito siya. Ngunit ang nakita ko ay si mommy.
" Rachel! Kanina pa kita ginigising. "
" Idlip mo muna ako. Mamaya na po. " sabi ko at pumikit muli. Gusto kong ipagpatuloy ang napaginipan.
" Hay nakung bata ka. Gising na! Late ka na pag natulog ka pa diyan. Performance day niyo ngayon. "
Oo nga pala! Kaagad akong bumangon at nag-ayos.
" Thanks mommy. "
Pagdating ko nang school, mabuti na lang at hindi ako late. Nagkaroon pa kami ng time para makapagpractice. Ako bilang si Natasha at siya bilang si Joshua.
" Ok class, let's start. "
Kami ang nauna ni Daniel. Noong una ay kinabahan ako pero nung nagpalakpakan na sila ay unti-unti akong nagkaroon ng confidence. I had delivered my lines perfectly at ganun din si Daniel. Mukhang nakuha namin ang atensyon ng lahat dahil tutok na tutok sila. Hanggang sa eto na nga, yung last scene.
Natasha (Ako) picked up the suitcase while Joshua (Daniel) watch me helplessly. This was it. The good bye scene.
" I've made my decision Joshua. I have to go. I have to see what I can be and what I can accomplish without you. I'm leaving and I don't want to see you ever again! " sabi ko bilang Natasha.
" But Natasaha.."
" Don't try to stop me. This is good bye! " wika ko at tinalikuran na ito.
" Wait! " sabi ni Daniel at unti-unting lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay. "Don't go!"
Nagulat ako sa sinabi niya. This wasn't in the script. I look back at him.
" Don't go! " ulit niya " Not until you've heard what I have to say! I love you! "
Nagpalakpakan ang mga kaklase namin ngunit nakita ko na tila nagulat si Ms. Sanchez dahil hindi ito kasama sa script.
" I.. I have to go. " sagot ko. Baka pagalitan kami ni Ms. Sanchez.
Daniel stepped closer. Closer and closer that my heart is getting faster. " Be my girl."
" What! " I exclaimed.
" I''m asking you to be my girl."
Alam ko, it was Daniel talking to me not Joshua to Natasha.
Bahala na si ma'am. I stepped closer to him. "I love you too."
" I''ll always be true to you. Will you be my girl? "
" Yes.. Yes, I want to be your girl! "
Kaagad itong may kinuhang box sa bulsa. Binuksan niya ito. Oh my God! It was the necklace I haven't bought in the mall that day. Kinuha niya ito sa lalagyan at isinuot sa akin. How sweet. Kinikilig ako. Napayakap ako sa kanya.
Nag standing ovation ang mga kaklase namin. Wala silang kaalam-alam na yung dulo ng scene ay wala sa script. Nagpalakpakan silang lahat at pati na rin si Ms. Sanchez. Yung ibang mga babae ay tila naiyak pa sa scene. Pagkatapos ng klase ay magpaiwan daw kami sabi ni Ms. Sanchez. I'm not surprise dahil sa ginawa namin.
" Daniel & Rachel, I won't deny that both of you are very good in acting. But we also know na hindi na acting ang ginawa niyo kanina. Why have you added something in the script? "
"Sorry Ms. Sanchez. It was all my plan." sagot ni Daniel.
" No, I'm also part of it dahil hinayaan kita. " depensa ko sa kanya.
" I do accept your apologies. But, just a bit of advice. Don't rush things. You are still young. " sabi ni Ms. Sanchez na tila bang isang ina. Sabagay, ang ating mga guro ay para na rin nating mga magulang.
" Thanks a lot Ms. Sanchez. "
Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap ay nakalabas na rin kami.
" Alam mo para kang jewelry!" banat nito.
" Ha? Bakit? "
" Kasi mahal.."
" You're right, mahal nga to! So, pinagsisihan mo na binigyan mo ako neto? "
" Of course not. What I mean is.. Mahal kita! " He said as lovely as he can. Shemay.. hindi ka pa ba tapos pakiligin ang puso ko? Hindi pa rin makapaniwala, parang katulad ng nasa movies.
" Daniel, please catch me! "
" Ha? "
" Catch me, I'm falling for you! "
" Naks naman. I will always catch you. Mahal kita Rachel."
" Mahal din kita, Daniel. " sagot ko at nginitian ang lalaking nagpatibok ng puso ko.
Hindi ko akalaing sa isang iglap ay bigla na lang akong maiinlove sa kanya. Alam kong mabilis, pero mahal ko siya.. papatagalin ko pa ba? Ngayon ko lang naranasan ang magmahal ng ganito. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako kapag nakikita siya, masaya rin ako kahit sa simpleng bangayan naming dalawa. Alam kong maaga pang maging masaya pero ipaglalaban ko itong pagmamahalan namin sa hirap at saya. At sana kahit na anong darating na problema ay hindi namin bibitawan ang bawat isa. Sana ay siya na talaga. Sana ako lang at walang iba. Alam kong mahirap sa una, basta kasama ko siya walang sinuman ang hahadlang sa pagmamahalan naming dalawa. Nakakatawa na ang taong magkagalit ay pwede pa lang magmahalan ng walang hinhinging kapalit. Sa kasayahan man at pait, pipilitin kong sa iyo'y maging mabait. Hahaha. Pero ang totoo, binago mo ang pananaw ko sa isang tulad mo. Pinatunayan mong kaya mo pa lang magbago para sa isang katulad ko. Sisikapin nating maging matatag ang relasyon na ito na sana'y hindi masira ng anumang pagsubok o sinumang tao. Sana ganito na lang palagi, mahal kita at mahal mo kasi hindi kayang makitang maagaw ng iba. Kasi Daniel Alcantara mahal na mahal kita, tanging lalaking nagmamay-ari sa puso ni Rachel Bautista. Ikaw at ako, tayong dalawa hanggang dulo at walang iba. Sana nga.