RACHEL'S POV***]
Ilang linggo nga ang nakalipas at naging okay kami ni Daniel. Pero itong kaibigan kong si Elen, ilang linggo na parang ngayon pa lang nahalata kasi nga busy ang lola mo sa ka-date niya. Iba talaga kapag may love life.
" May naamoy akong something fishy! Teka matanong ko lang, ngayon ko lang napansin. Okay na ba kayo? " tanong ni Elen.
" Yes." halos sabay pa naming sagot at tsaka nagtawanan.
" Sabi ko na nga ba! So naniniwala na kayo sa sayings na the more you hate, the more you love? " amazed na pahayag nito.
" Hahaha. Ikaw talaga Elen. Ewan ko sayo. "
" Malay mo, baka dumating din kami dun? " sabi naman ni Daniel.
" Wow, ang sweet nyo naman! May chemistry kayo. " masayang wika nito. Wow girl ha? Atat na maging kami?
" Whee.. di nga? Chemistry ka dyan! Ano to Science? " sagot ko.
" Basta maniwala kayo. Bagay talaga kayo! " pilit nito.
Bagay nga ba talaga? Ewan ko ba? Ba't parang kinikilig ako.
= LUNCH TIME =
" Rachel, sorry ha? Sa bahay muna ako maglulunch ngayon. Ok lang ba ? Sorry talaga! " sabi ni Elen.
" Sure, okay lang. " sagot ko at nginitian ang kaibigan.
" Salamat. " sabi niya " Ah.. Daniel! Pwede bang sabayan mo sa lunch itong si Rachel ? " nagulat ako sa sinabi ng lokong-loko na babaeng to. Ayaw talaga kami tantanan.
" Kung okay lang sa kanya. Why not ? " sagot nito at napatingin sa akin.
" Hmmm.. okay! " sagot ko. " Friends namin kami, bakit hindi? "
" Bye guys, be happy. " paalam ni Elen at tsaka umalis na.
" Alam mo, mina match-making talaga tayo nun. Hay nako. Haha. "
" Bakit ? Ayaw mo nun? "
Ha? Ano daw? Anong ibig sabihin nun?
" Anong ibig mong sabihin? " tanong ko.
" Hehe. Wala! " sagot niya. "Tara na sa canteen."
Pumunta na nga kami sa food court. Nang makarating dun ay tila marami ang nakatitig sa amin. Baka nakakalimutan ko, campus crush nga pala tong kasama ko!
" Swerte naman ng girl sa guy. " narinig kong sabi ng babae.
" In fairness, maganda ang girl! " sabi naman ng isa.
" Rachel, wag mo silang pansinin. " sabi ni Daniel nang napansin na tila naiilang ako.
" Anong order nyo ? " tanong ng waiter. Yung canteen ng school namin parang restaurant siya. Kasi nga prestigious private school ito.
" Ah, dalawang rice, beef steak, drinks at tsaka desserts. " sagot ni Daniel.
Dalawang rice? Dalawang beef steak? Drinks at Desserts? Nag-echo sa tenga ko ang mga sinabi niya. Hala! Ang takaw naman pala neto.
" Yung sa akin po..."
" Wag ka nang umorder, para na sa atin yun. " putol niya sa sinasabi ko.
Hindi ko man lang naisip na para pala sa akin yung iba? Naisip ko pa tuloy na matakaw siya.
" Ha? Okay! Babayaran na lang kita! "
" Wag na. Friendship treat ko na yun para sayo. " nakangiting sabi niya. "Upo ka na." sabay offer ng seat at pinaupo ako sa upuan.
Mukhang nagbago na talaga ang tingin ko kay Daniel. I think, I'm starting to like the guy I hate before.
" Rachel. after school nga pala. Gusto ko sanang magpractice tayo ng script. "
" Ah, okay. Kakausapin ko muna sina mommy at daddy. "
________________________
AT HOME ***
" Mom ? Dad? Pwede bang magpractice kami ng script ni Daniel dito? " tanong ko sa kanila while eating dinner.
" Sure! I trust you Rachel. " sagot ni mommy.
" Basta wag lang kayong lumagpas sa limitations. " wika naman ni daddy.
" Limitations? Daddy naman! Magpapractice lang kami ng script. Wala namang magyayari. " .
"Ok, we do trust you. Just take care while we are away. " bilin ng mga ito.
" Ok po! " magalang kong sagot.
Nang makaalis na sina mommy at daddy ay naiwan akong mag-isa. Hinihintay ko na lamang ko si mokong, I mean Daniel.
Maya-maya pa ay nag-ring na rin ang doorbell. Hindi ko alam kung bakit parang na-excite ako na makita siya. Pagkabukas ko ng gate, it was Daniel! Shet! Fresh looking ito, bagong ligo at gwapong-gwapo sa suot na damit kahit nakapambahay lang since magkatabi lang kami ng bahay.
" Good evening Rachel! " bati niya.
" Come in. " sabi ko at pumasok na nga kami sa loob ng bahay.
" Your house was nice. " habang nililibot ng tingin ang buong paligid.
" Thanks! It's my pleasure to know that. So, shall we start practicing the script? " sagot ko.
" Sure ! "
Nagpractice nga kami. Okay naman yung delivery namin sa speech. Satisfied naman kami sa result. Ilang beses din naming inulit-ulit na tila ba hindi nagsasawa sa presence ng isa't- isa. I'm delivering my lines ng bigla na lang:
" Daniel! May naririnig ka ba ? " tanong ko. Nagbabasa kasi ito ng script niya.
" Ha? Wala akong narinig. Masyado akong nafocus dito. "
" Yung parang kidlat! Kidlat ba yun ? Mukhang uulan! " sabi ko at pilit na tinatago ang takot. Ang arte mang pakinggan pero takot ako sa kidlat. "Umuwi ka na, baka lumakas ang ulan at mabasa ka pa. "
" Hindi naman ako matutunaw kapag nabasa ng ulan and besides malapit lang naman ang bahay. So, let's practice again or usap na lang tayo. "
" Ano namang pag-uusapan natin? "
" Marami. "
" Like what? "
" I.. I want to tell you something Rachel. " kinabahan ako bigla. Anong sasabihin niya?
" What is it? " kinakabahang tanong ko ngunit hindi pinahalata.
" I think, the first time I saw you. I already like you. " diretsahang sabi nito sabay titig sa aking mga mata.
Nashock ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakasagot. Ano daw? What? I don't get it. Please explain to me. Hindi pa rin nagsisink-in ang sinabi niya.
" Rachel, hey? " winawagayway nito ang kamay sa aking mukha at tsaka lang ako natauhan.
" Ano ulit yun? "
" I said, I like you ! "
" I like you too. " tila automatic na sabi ng bibig ko. What? What did I say? Oh my God!
"Really ? Can you say it again? " tila hindi makapaniwala sa sagot ko.
" Ha ? "
" Say it again ! "
" Just don't mind it! Forget about it. "
" No... Rachel, please say it again! " pagpupumilit niya.
" Okay fine. I said, I LIKE YOU TOO! "
" YES ! " sigaw nito at tumalon-talon pa at niyakap ako. At siya ring pagkidlat at napayakap din ako ng mahigpit sa kanya.
Totoo ba tong nangyayari? Naramdaman ko ang pagyakap niya ng mahigpit na tila ba ang saya-saya niya.
" I guess, we have to do something about it ! "
" I'm not yet ready, can we just friends for now? "
" Ok, I'll be waiting sabihin mo lang kapag handa kana ! " abot tenga ang ngiti nito. " Liligawan kita. "
Muling kumidlat at mas lalo akong napayakap.
" Takot ka pala sa kidlat? "
" Sorry about that. Simula pagkabata ay takot na ako sa kidlat. " sagot ko at tsaka bumitiw sa kanya.
" Don't worry. I'm here for you. "
The door bell ring.
" I think sina mommy at daddy na iyon. " sabi ko at dali-daling lumabas para pagbuksan ang gate. Hinalikan ko sila sa pisngi.
" Hijo, siguro kailangan mo nang umuwi dahil gabi na. "
" Yes tito. " sagot nito. "Paalam Rachel. " at ito'y umalis na at sinundan ko nang tingin.
Heto ako ngayon sa kwarto at hindi makapaniwala sa nangyari kanina. Gusto niya ako, gusto ko rin siya! Whaa.. hinampas hampas ko ang unan. At hanggang nakatulog na siya ang nasa isipan.