EPILOGUE: The Surprise

3176 Words
Shanie’s POV 3 YEARS. 3 years na ang nakakalipas simula nung iwan ako ni Jonie. Sumama ako sa tita ko nun pumuntang States para makalimot na ako. Ang daming masasakit na pangyayari akong naranasan. Pero eto ako ngayon, nandito sa bahay namin sa Philippines. Umuwi ako ngayon dahil kinukulit ako nila Cathy. Dahil daw birthday ko, at 3 years na akong hindi nagpapakita, pagbigyan ko naman daw sila. Tutal nami-miss ko narin sila pinagbigyan ko na. --FLASHBACK— -On Phone- Cathy: Uy Shanie! Tagal mo nang hindi nagpapakita ah! Bakit di ka pa bumabalik dito? Shanie: Cathy…alam mo namang--- Cathy: Don’t say that your reason is you need time to heal. Gosh Shanie! It’s been 3 years and that’s long enough. And isa pa, hindi naman kailangan mag-move on. Kasi palagi lang siyang nasa tabi mo. Kaya please, uwi ka na. Miss ka na namin. Shanie: Okay! Okay! I’ll ask tita para makauwi na ako diyan. Cathy: Hahaha! No need to ask, just talk to her. Okay? Bye! At binaba na niya. Napaisip ako sa mga sinabi niya. “Hindi naman kailangan mag-move on.” “Hindi naman kailangan mag-move on.” “Kasi palagi lang siyang nasa tabi mo. “ “Kasi palagi lang siyang nasa tabi mo. “ “No need to ask, just talk to her.” “No need to ask, just talk to her.” Ano yun? Ayaw akong mag-move on. Tapos parang ready na ang lahat. Parang may plano sila ah. Biglang dumating si tita. Tita: Hey Shanie! Your friends misses you. I think you need to go back already. 3 years is long enough. Sometimes, reminiscing memories will make you feel better. Though, you’ll be hurt also. Shanie: It’s okay tita. I’m going back! Kailan ba ko uuwi? Tita: Later. Shanie: What?! Later?! Tita: Yup. That’s why get ready na. Shanie: Talagang pinapalayas niyo na ko ah. --END OF FLASHBACK— 9:30 PM Nandito na ako sa Park. Sabi kasi nila Cathy dito daw ako pumunta sa Park. Ewan ko nga bakit gabi e. Madilim pa naman. Nang biglang may lumapit sakin. Si Faye pala. Faye: Hi Shanie. Musta? Ahh…eto nga pala oh. Sabay abot sakin ng rose at may nakasabit na parang paper kung san pwedeng lagyan ng sulat. Faye: Mamaya, sabay-sabay mo yan babasahin. Tara lakad na tayo. Naglakad-lakad kami tapos biglang lumitaw si Marian. Marian: Hi Shanie. Welcome Back! O, eto oh. Sabay abot ng isa na namang rose. Ano ba tong pakulo ni Cathy. Next naman si Kristoffer. Kristoffer: Yo, Nie. Musta States? Haha. Here oh. Another rose with letter na naman. Haha. Next naman is Adrian. Adrian: Shanie! Hehe. Welcome Home! Eto na oh. Another rose. Next … Wait… Masyado na atang madilim sa part ng Park na to ah. May pumunta sa harap ko. Cathy: Shanie… Alam ko ang boses nato. Shanie: Cathy! Cathy: Hahaha. Oo ako nga ito. Here is your rose. Hindi pa ako ang last. May very important person pang susunod. Shanie: Wow. May VIP pa ha. Hinawakan niya ang kamay ko. Cathy: Shanie, nalungkot ka na for almost 3 years. Tama na yun. Tama na ang paghihirap mo. All your problems will have an end today. Your sadness will also end today. I promise that. Shanie: Cathy… Biglang may umilaw. Naka-korte siyang parang 3? Pero parang may kadugtong pa. Pero dahil dun nakikita ko na si Cathy. Cathy: Pero bago mo makita ang VIP na yun. I’ll allow you na basahin na ang mga letters. Sinunod ko ang sinabi niya. “Shanie, Happy Happy Birthday. More birthdays to come. Sana maging masaya ka na. – Faye” Napatingin naman ako kay Faye. Ngumiti lang siya. “Hello Shanie. Happy Birthday. I hope wala ka nang paghihirap na maranasan. – Marian” Tinignan ko naman si Marian at ngumiti lang rin siya. “Yo, Shanie, Happy Birthday. Sana wala nang maging hadlang ngayon sa kasiyahan mo – Kristoffer” Tumingin ako kay Kristoffer. Ngumiti lang rin siya. “Hi Nie. Happy Birthday. Be a good girl-friend ha? Haha. Nagbigay na ko ng clue. – Adrian” Tumingin ako nang nagtataka kay Adrian. Ngumiti nalang rin siya. “Hi Shanie. Happy Happy Birthday. More birthdays to come. Sana maging masaya ka na. Sana hindi ka na masaktan. Although hindi naman yun maiiwasan, basta dapat maging matatag ka lang lagi. And always remember I’m always here for you. It’s time for you to be happy. So, enjoy. - Cathy” Naluluha ako sa letter ni Cathy. Niyakap ko siya pero agad rin akong bumitaw sa yakap. Cathy: The time has officially come…I hope you’ll be happy forever. Nga pala, tignan mo yun oh. Tumingin ako sa tinuturo niya. Sa may puno, may nakasabit na… DREAM CATCHER?! --FLASHBACK— Nandito kami ni Jonie sa mall. Naglibot lang. Nandito ako ngayon sa Food Court. May nakalimutan pa daw bilhin si Jonie e. After how many minutes nakabalik na rin siya. Jonie: Shanie! Napatingin ako sa kanya. Shanie: O Jonie! Ano bang nakalimutan mong bilhin? Jonie: Eto oh! Sabay pakita sakin ng isang DREAM CATCHER?! OMG! Matagal ko nang gustong magkaganito. Shanie: Wow! Ang ganda naman! Pero para saan yan? Binigay niya sakin yung dream catcher. Jonie: Para sayo yan. Shanie: Huh? Jonie: Ang sabi nila kapag meron ka niyan hindi ka magkaka-nightmares kasi kinukuha niya ang mga iyon at mga good dreams lang ang itinitira. Pero, tayo iba ang pagbabasehan natin niyan. Shanie: Ano? Jonie: Satin, kapag nakita natin yan, ibig sabihin may magandang mangyayari. Ang ibig sabihin, kapag napatingin tayo diyan ng hindi natin alam, bigla nalang tayong napatingin diyan, ibig sabihin may napakagandang mangyayari. Ang imposible pwedeng maging posible. --END OF FLASHBACK— Naluluha ako habang inaalala yun. Pero sandali…sa hindi inaasahang pagkakataon nakakita ako ng isang Dream Catcher. Ang imposible pwedeng maging posible. Ang imposible pwedeng maging posible. Ang imposible pwedeng maging posible. Paulit-ulit yan tumatakbo sa isip ko. Posible kayang totoo ang sinabi niya? Shanie: Bakit may ganyan diyan Cathy? Cathy: Ahh…kasi diba gustong-gusto mo nang Dream Catcher? Tsaka lagi kang masaya kapag nakakakita niyan diba? Shanie: Oo. Lagi akong masaya makakita niyan…noon. Pero hindi na ngayon. Cathy: Huh? Ano bang…sinasabi mo? Shanie: Nasasaktan na ako ngayon kapag nakakakita ako ng ganyan. Cathy: Then, it’s time to put an end to that pain. Tumingin ako sa kanya ng nagtataka. -------------------- Cathy’s POV Naalala ko ang mga nangyari nung araw na iyon. Nung araw na ang imposible pwedeng maging posible. Ang araw na inakala naming namatay si Jonie. --FLASHBACK— Pagkalabas ni Shanie ako naman ang pumasok para tignan si Jonie. Isa si Jonie sa mga naging pinakatotoong kaibigan sakin. Alam namin pareho na nandun sila Ivan. Kung tutuusin alam kong para sakin talaga ang balang yun. Pero dahil sa magkalapit lang kami ni Shanie, mukhang nanginginig pa ang kamay nung bumaril kaya imbes na sakin, si Shanie ang muntik nang tamaan ng bala. Cathy: Jonie, alam mo rin diba? Na para sakin talaga ang bala? Kaya ka ngumiti. Kasi kahit sino pa saming dalawa ni Shanie ang target-in ni Ivan pareho mo kaming ililigtas. Jonie, salamat sa lahat-lahat. Kayong dalawa ni Shanie ang dahilan kung bakit mas naging masaya ang buhay ko. Kaya nasasaktan rin ako sa pagkawala mo. Pero alam kong mas masakit ang nararamdaman ni Shanie. Salamat sa lahat Jonie. Napa-iyak nalang ako sa sakit dahil sa dinanas ng kaibigan ko. Nung i-angat ko ang ulo ko, may nakita ako sa sulok na nakasabit. Nang tinitigan ko yung mabuti nanlaki ang mata ko. DREAM CATCHER?! B-Bakit ako nakakita ng ganyan? Napatingin ako kay Jonie. Anong ibig sabihin nito Jonie? Nagtataka ba kayo bakit ganito ang reaksyon ko? May meaning kasi samin kapag bigla nalang kaming nakakita ng dream catcher. Actually, si Jonie ang nagbigay ng meaning niyan na siyang pinaniniwalaan namin kasi napatunayan na. Basta ang sabi ni Jonie… "Kapag nakakita ka ng dream catcher at the time na may problema, ibig sabihin mareresolba ang problema mo at kung merong imposible mangyari sa oras na yun, magiging posible siya kapag nakakita ka ng dream catcher unexpectedly." Isa lang naman ang imposible ngayon e. Ang mabuhay ulit si Jonie. Pero bakit bigla nalang akong nakakita ng dream catcher? Pwede bang maging posible na mabuhay ulit si Jonie? Tulad ng sabi niya na pwedeng maging posible ang bagay na imposible sa oras na makakita ng dream catcher unexpectedly? Hinawakan ko ang kamay niya. Cathy: Jonie, anong nangyayari? Bakit ako nakakita ng dream catcher sa ganitong sitwasyon. Sigurado akong ang imposibleng mangyari ngayon ay hindi kailan man magiging posible. Anong nangyayari? Nagulat ako nang gumalaw ang mga daliri niya. At unti-unting minulat ang mata niya. Jonie: Cathy... Nanlaki ang mata ko. Napatingin ako sa dream catcher. At mas ikinagulat ko nang napatingin ako ulit dun sa dream catcher. WALA NA YUNG DREAM CATCHER! Nangilabot ako dun. Pero totoo palang ang imposible pwedeng maging posible kapag nakakita ka ng dream catcher unexpectedly. Tinawag ko ang doctor at sinabing buhay si Jonie. Doctor: Sinigurado naming hindi na tumitibok ang puso niya nang dalhin siya dito. THIS IS A MIRACLE! Dinala siya sa ICU para gamutin. Tinatawagan ko si Shanie pero hindi niya sinasagot. Then biglang may nag-text sakin. Si Shanie. “Cathy. Aalis na muna ako. Sasama ako sa tita ko. I need time to heal. I’ll lose my contacts muna with you guys. Don’t worry kapag okay na ko babalik ako diyan. Promise.”-Shanie A-Ano?! Umalis siya? Kung kailan naman may magandang balita eh. Dumating na ang doctor. Doctor: He needs 2 years to be completely healed. Malala ang part na tinamaan ng bala and he’s lucky enough para maka-survive dun. Sabi ng doctor. Pinuntahan ko si Jonie. --END OF FLASHBACK— -------------------- Shanie’s POV Nagtataka parin ako sa sinabi ni Cathy. Nang may biglang tumugtog… Cathy: I’ll explain first…After mong umalis, something unexpected happened. Sinubukan kitang contact-in pero hindi ko magawa. Kinailangan niyang magpagaling for almost 2 years. Kaya ngayon, nakapaghanda kami ng surprise that will surely make you happy for the rest of your life. Tapos may kumanta… Teka familiar ang boses nato ah… ♪♫ I had a dream of you and me last night Under the stars and moon, so bright Lying together we hold each other tight Umatras si Cathy at napansin kong nakapalibot sila sakin at merong kumakanta dun sa may di kalayuan na tingin ko kapag nabuksan na ang mga natitirang ilaw ay makikita ko na siya. Cathy: Anything that is impossible can be possible without you noticing it. Remember that Shanie. Sabi ni Cathy habang kumakanta yung unknown guy. There's nothing better than being just with you It's like a dream come true Over and over Again and again I'll say I love you Pamilyar ang boses. I mean, alam na alam ko kung kanino ang boses na ‘to. Pero baka ka-boses lang niya. Dahil imposibleng siya yun. Napakaimposible na ngayon. Napatingin ako sa Dream Catcher. Napakaimposible ng iniisip ko, totoo bang pwedeng maging posible yun gaya ng sabi niya tungkol sayo Dream Catcher? Cathy: It’s possible Shanie. Trust me. Biglang nagsalita si Cathy. Nababasa niya ba ang nasa isip ko? Pero anong ‘It’s possible.’? Now we're together Never ever will I leave you We're together No one's gonna take you away from me Cause you'll be You will always be The only one for me Tapos in one snap biglang bumukas ang maraming ilaw. Naka-pwesto siyang heart-shaped kaya pala 3 lang ang nakita ko kanina, yun pala ang taas ng heart. Nakita ko sila Cathy at yung iba na nakatayo sa labas ng heart. At yung nasa loob, isang lalaki, pero nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. When you told me you love me the way I do Can't explain my feelings inside I feel so alive since I had you by my side There's nothing better than being just with you It's like a dream come true Over and over Again and again I say I love you Tapos bigla siyang humarap. Nanlaki ang mata ko. T-Totoo ba tong nakikita ko? Si J-Jonie?! Now we're together Never ever will I leave you We're together No one's gonna take you away from me Cause you'll be You will always be The only one for me Never ever will I leave you We're together No one's gonna take you away from me Cause you'll be You will always be The only one for me Cathy: Totoo siya Shanie. At siya ang regalo namin sayo. Napatingin ako kay Cathy. Nginitian lang niya ko. Now we're together Never ever will I leave you Yeahh We're together No one's gonna take you away from me Cause you'll be You will always be The only one for me Oh oh oh... Woohhh... The only one for me ♪♫ Shanie: J-Jonie… Unti-unti akong pumasok sa loob ng heart hanggang sa kaharap ko na siya. Hinawakan ko ang pisngi niya kasi hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Jonie: Ako to Shanie. Hindi ako multo. Wag kang matakot. Nginitian niya ko. Agad ko naman siyang niyakap. Shanie: Namiss kita Jonie. Niyakap rin naman niya ko pabalik. Jonie: Mas namiss kita Shanie. Happy Happy Birthday. Sorry ngayon lang ako nagpakita. Pero na-explain na sayo ni Cathy diba? Shanie: A-anong nangyari? P-Pano ka nabuhay? Sabi ng doctor…Dead On Arrival ka… Jonie: Hindi ko rin alam…Namatay ako, oo, pero hayaan mo na yun. Ang mahalaga ngayon I’m alive. Shanie: Tama. Hindi na mahalaga ang noon. Ang mahalaga ang ngayon. ALL: TAMA! Shanie: Pero ano ba talagang nangyari? Paano? Cathy: Nung pinuntahan ko siya that time, ewan ko rin basta bigla nalang akong nakakita ng dream catcher doon tapos gumising siya then pagkatingin ko ulit kung nasaan ang dream catcher wala na yun. Siguro talagang may malaking role ang dream catcher sa mga buhay natin. After niyang gumising dinala siya agad sa ICU at sabi nga ng doctor kailangan niya magpagaling for 2 years kasi malala daw yung tinamaan ng bala. At maswerte na siyang naka-survive doon. Shanie: Ahh…yun pala ang nangyari. Pero alam niyo, feeling ko sa States noon andun rin si Ivan. Ilang beses ko kasi siya nakita e. Cathy: Haha. Si Ivan ba? Gusto mo malaman kung bakit? Tumingin ako ng nagtataka sa kanya. Cathy’s POV Cathy: Ganito kasi yun… --FLASHBACK— Cathy: Jonie, I’m sorry hindi ko na ma-contact si Shanie e. Sumama daw siya sa tita niya e. At mawawalan muna daw siya ng contact samin. She needs time to heal daw kasi akala niya patay ka na talaga. Jonie: Hayaan mo na. Marami rin siyang paghihirap na dinanas. After 2 years, okay na ko. Pero I think siya hindi pa, kaya after 3 years dun mo siya kulitin umuwi. At exact date ng birthday niya. Dun ako magpapakita ulit sa kanya. Cathy: Pero hindi ka ba natatakot na baka magmahal siya ng iba? Jonie: No. Besides may magbabantay sa kanya. Cathy: Sino? Jonie: Ivan. Cathy: A-ano?! S-Si Ivan?! Jonie: Don’t worry nakausap ko na siya. Kaya pala lumihis yung bala kasi pinigilan niya yung kasama niya. Cathy: Nasaan na ba siya? Jonie: On his way to States. Cathy: Grabe. Planado mo na lahat no. Ngumiti nalang siya. Cathy: Pero teka, pinigilan? E akala ko ba, yun talaga dapat ang mangyayari samin kapag sinuway mo ang gusto niya. E bakit niya daw pinigilan? Jonie: Cathy, sa totoo lang, kababata ko si Ivan, kaya kahit na nagbago siya alam ko na hindi naman niya kayang pumatay o magpapatay. Wala ka bang napansin nung araw na yon? Hindi ba nakita mo si Ivan? Pero nakatayo lang siya, walang armas, mag-isa lang siya. Tapos nung napalingon siya, nakita niya ang mga kasama niya, sineryoso nila yung mga sinabi niya, kaya nagmadali siyang pumunta sa mga yon, kaso naiputok na bago pa niya mapigilan. Cathy: Kung ganon, bakit niya yun ginawa sayo? Bakit ka niya tinakot na kung hindi mo kami lalayuan, mamamatay kami? Jonie: Sinabi ko na sayo, hindi niya kayang pumatay o magpapatay, nung una hindi ko rin siya maintindihan, pero nung ipinaliwanag niya sakin, naintindihan ko na. Cathy: Ano bang sinabi niya sayo? Jonie: Sinusubok lang daw niya ang pagmamahal ko kay Shanie at pagkakaibigan natin. Kapag nagawa ko siyang suwayin, ibig sabihin, totoo lahat ng pinapakita ko sainyo. Cathy: Ahh…yun pala yun. Ayos pala yang si Ivan e. Mas delikado lang yung way niya ng pag-aayos niyo ni Shanie kaysa sa way ko. --END OF FLASHBACK— Shanie: So talagang planado na maging guard ko si Ivan ganun? Ivan: Ganun na nga. Napatingin kami sa nagsalita. Si Ivan pala. Ivan: Ahh…gusto ko sanang humingi ng sorry sa inyong lahat lalong-lalo na sa inyo Shanie,Jonie and Cathy. Pero sa kabila ng mga nagawa ko, pinagkatiwalaan niyo parin akong magbantay kay Shanie. Kaya thank you. Basta ha friends na tayo. ALL: FRIENDS! Tapos biglang may fireworks. Haay! Ito na ang pinakamasayang birthday celebration ko. At ngayon lang ako nakatanggap ng gift na sobra-sobra kong na-appreciate. After a few months… Priest: You may now kiss the bride. Itinaas na ni Jonie ang veil ko. Jonie: I Love You To Infinity and Beyond Shanie. Always and Forever. Shanie: I Love You Too Jonie to Infinity and Beyond. Always and Forever. And then he kissed me. We shared a kiss full of love. Then he broke the kiss and we look at the people who are clapping they’re hands for us being a newly wed. I saw my family, Jonie’s family and my friends. Ang mga pinakanakasaksi sa kwento ng buhay namin ni Jonie, ang mga kaibigan namin. Salamat sa mga kaibigan ko. Lalong-lalo na kay Cathy. Napatingin naman ako sakanya. Dahil alam kong siya ang pinakanahirapan saamin. Dahil tuwing may problema, dalawa kaming pino-problema niya. At lagi siyang napupuyat sa pag-iisip ng paraan para magka-ayos kami. Kaya sobrang thankful ako, na nagkaroon ako ng best friend katulad niya. At just a matter of months siya naman ang ikakasal. Sinong husband-to-be niya? Edi si Ivan. Naging bestfriend narin namin si Ivan at kapag nagkakatampuhan kami ni Jonie sila lagi ni Cathy ang gumagawa ng paraan. Naging masaya na ako. It’s time for you Cathy to be happy also. Thank You Lord. Sa lahat ngayon. Napakasaya ko po. At sana hindi lang ako ngayon maging masaya, kundi habangbuhay. Basta kasama ko ang taong mahal ko, sigurado yun, at ang taong yun ay walang iba kundi si Jonie. At ngayon hindi na COINCIDENCE ang tawag ko dito. Kundi Tadhana o DESTINY. At worth it ang Second Chance na binigay ko sa kaniya. Kaya totoo nga… …Everyone Deserves A Second Chance. That second chance I gave to Jonie, have given us a Second Chance for our relationship and that’s what gave us a chance to live together forever. Hindi namin alam kung gaano kalayo ang forever… Hindi rin namin alam kung ano ang mga pagsubok na darating… Basta ang alam lang namin, there’s another chance for us to live together forever. And we know that we deserve that second chance. Because... Everyone Deserves A Second Chance. ----------------------------------------END OF EVERYONE DESERVES A SECOND CHANCE----------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD