Chapter 18
Antagal mo...?tanong ni Gray...
Ano pa di dumaan muna yan kay Drew....si Marrione...kasama nila ito.Bumunghalit nanaman ng tawa ang pesteng kaibigan at boss niya.
Tssssk! pwede ba tigilan niyo ako?!
Stop pestering me....! solve your own problem! torpe ka rin namang katulad ko he said to Marrione.Napaubo ito ng wala sa oras.He knows what happened to him and his secretary....
Nasapol naman ito at tumahimik.
Nakarating sila sa target.
Men....in your position....utos ni Gray.
Copy sir sagot ng tauhan nito.
Get ready malapit na tayo wika ni Gray.
Nauna na siya at tumalon sa itaas papunta sa rooftop ng isang gusaling katapat ng target.
nagpagulong siya sa pagkalapag sa ibaba.He took his Barret M82 sniper riffle on his bag....He put it there before the operations.He positioned and view the site with the binocular.He saw a lot of men in the rooftop of the building having transaction with illegal guns.Operated by
Felix Sandoval one members of the illegal organization.
Ang mga dayuhan galing pa sa Germany...
Nakalapag na kami wika ni Gray sa suot niyang earphones.
Hmmmm...sagot niya habang kinakalikot ang ripple. Nagsimula na sila....yong sa warehouse ni Sandoval...?tanong niya. Andon na si Marrione...all the guns are confiscated and turn over already.All his men arrested already...
Ok he said...may thirty minutes na siyang naghihintay.
Nakapasok na kami ....si Gray .....
Faster I want to go home....
Sabihin mo pupuntahan mo lang si Miss Cassanova...!
Biglang nagkagulo sa paligid ng makaayat ang mga tauhan ni Gray.Nagpalitan ng mga putok ng baril at nakita niya ang target si Sandoval na tumatakas kasama ng German na katransaksiyon nito.
He positioned while landed
focus and slowly pulled the trigger... tinamaan ito sa binti. One more shot at ang dayuhan namang kasama nito ang natumba.
Putangina!!mura nito.Hinagilap ang may gawa sa kanya pero hindi niya ito makita. Tumayo siya at naghikab he want to go home and rest in her arms....
Nahuli si Sandoval at ang mga kasama nito.Konti na lang matatapos na ang misyon niya. After that he will leave his life as an ordinary person just like five years ago. Napangiti siya sa isiping yon.
Nasa itaas ang helicopter at nagbaba ng
ladder rope si Marrione. Nagmadali siya umakyat habang lumilipad ito.
Good job gentlemen...!ok....!sabay pa sila ni Marrione.
Punyeta!!!!nauubos na tayo....!!!!Anong ginagawa niyo?!sandamakmak kayong tanga!galit na sigaw ng kanilang pinuno.
Antonio!kumusta ang pinahahanap ko sa'yo?! galit na tanong nito.
Wala kaming makuhang impormasyon tungkol sa kanya....Maliban sa pagiging bodygurad ni Marrione....nag-umpisa ang lahat ng kaguluhan ng bigla na lamang sumulpot ang batang yan...saad ni Senator Laxamana.
He opened the envelope and stare at the photos....
Nakita ko na ang mga matang to....sigurado ako .....at pinakatitigan ang larawan.
Pakawala ka ba ng anti-terrorism group?!tanong niya sa sarili.
Nakaalis na ang mga miyembro niya at siya na lang ang natira sa meeting room nila.Lumabas siya at nagtungo sa personal niyang silid sa malaking gusaling pag-aari ng kanilang grupo.Inilabas Ang isang lumang larawan 20years ago.
Larawan ng tatlong magkaibigan.Kapwa nakangiti ang tatlong lalaki sa larawan.Pawang walang mga alalahanin at pangamba.
Tinitigan niya ang lalaki sa kaliwa.Itinabi ang larawan ng binata...Hindi nga siya nagkamali...pareho ang mga ito kung tumitig...napakamisteryoso....kaibahan nga lang ay medyo singkit ang binata na siguradong namana niya sa kanyang ina.Pero iisa ang mga mata nito at ang ama.
Dapat tinuluyan na kita noon pa....bumalik ka ba para hanapin at patayin ako?bulong niya.
Hinawakan ang singsing na patunay ng kanyang pagiging pinuno.Iniutos na niya sa mga tauhan sa buong bansa na paslangin ang binata.
Patay na kayong pareho pero hanggang ngayon sinusundan pa rin ako ng mga multo niyo...
Ngayon naman ang anak mo Vincent!sisiguraduhin kong susunod siya sa'yo....! Hindi siya papayag na mabuwag ang samahang pinamunuan niya ng ilang taon at mapunta sa wala ang mga plano niya.
Nagkayayaan ng inuman sa hideout ni Gray tulad ng dati.Ayaw man niya wala siyang nagawa dahil makulit ang kaibigan.Si Marrione naman nagpakalunod din sa alak mukhang tinamaan na ito sa secretary nito. Hinatid muna niya ito.Sa daan ay kinukulit siya nito.
River....ihatid mo ako sa bahay ni Drew...doon ako magpapalipas ng gabi malayo pa ang bahay ko gusto ko ng....matulog....
No....!I won't allow you anymore to sleep in her house...!damn you...!
Ho...!possessive ka masyado...you forgot it man...?!,before you I'm his ultimate crush...!kulit nito.
Shut up!sigaw niya dito.Hinatid niya ito sa bahay nito at inalalayang makaakyat sa silid nito.
Pambirhira!,angal niya...hindi ako nanny ng damulag na to!,,itinulak niya ito sa kama.Kayo ng bahala sa kanya bilin niya sa mga bantay nito.Tumango naman ang mga ito.
Kahit nahihilo ay nagawa pa rin niyang makapagmaneho at nakarating sa bahay ni Drew. Pagdating ay deretso siya sa silid ng dalaga.Mahimbing na itong natutulog at nakabuka ang mga hita at mga kamay.
Tignan mo tong babaeng to kung makatulog burara...pasalamat ka at nakapdyama ka pa....turo niya sa dalaga.
Naiinitan siya at naghubad ng damit at deretso sa banyo para maligo at mabawasan ang pagkahilo at init sa katawan niya. Paglabas ay hindi na siya nag-abalang magsuot ng damit...Wala naman siyang damit dito.
Tinanggal niya ang tuwalya na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan at dumapa sa kama at iniyakap ang isang braso sa bewang nito.
Kinabukasan naalimpungatan si Drew.Naramdaman ang brasong nakayakap sa kanyang bewang.Nilingon niya ang binata na mahimbing na natutulog.Nakadapa ito sa kama. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nito sa kanya at bumangon sa higaan.
Hay nako po......!nagulat siya ng tumambad ang hubad nitong pang-upo. Napapikit siya at kinumutan ito.
Umupo siya sa tapat ng mukha nito.
San ba galing ang lalaking to bulong niya habang nakatunghay sa guwapong mukha nito. Teka....lasing ba to kagabi?tanong niya sa sarili at bahagyang inilapit ang mukha sa binata.
Amoy alak nga bulong niya. Bumaba na siya at nagluto ng almusal. Pagkatapos ay nagtimpla ng kape. Bumalik siya sa silid para gisingin ito.
Hoy ... River gising...!tanghali na may pasok ka pa...
Hmmmm....ayoko pa....ibinaling nito ang mukha sa kabila.Niyugyog niya ito.
May pasok ngayon biyernes pa lang sermon niya dito.
Hindi ako papasok....si Marrione din...kasama ko siya kagabi sabi nito habang nakapikit pa rin ang mga mata.
At san naman nag-inom ang dalawang to...?tanong niya.Hala....!wag mong sabihing......!tinampal niya ang likod ng binata.Hirap itong nagmulat ng mga mata.
What.....?tanong nito....nanlalaki ang mga mata niya.
S-sinabi mo ba Ang tungkol satin?kinakabahang tanong niya. Ngumiti ang binata.
What do you expect me to do....gawing private ang relasyon natin?tanong sa kanya ng binata.
Hindi naman sa ganon kaso....
Don't worry sa kanya ko lang sinabi isa pa kaibigan mo siya and one thing I don't want him to sleep here with you that's why..... Hindi mo alam ang sinasabi mo...napapikit siya ng mata.
Tsismoso ang lalaking yon pano pag nadulas siya?tanong niya dito.Ngumisi ito.
Don't worry....I will tell his secret once he do that...at pumikit ulit ito.
Mag-isa siyang kumain.Patapos na siya at nagkakape ng bumaba ang binata at suot ang damit kagabi.Nagmamadali ito.
Akala ko di ka babangon?tanong niya dito.
Uwi muna ako sa bahay....ihahatid kita pagkatapos susunduin kita mamaya wika nito at kinuha nito ang kape niya at hinigop ito.
Hinatid nga siya nito sa labas.Nagulat pa siya ng pagbaba niya ay hinapit siya nito sa bewang at hinalikan.
Whooooa!!!! dinig niyang sabi ng ilan.
Sige na bye....sabi nito ng pakawalan siya nito.
H-ha? naku!sige! kumaway pa siya rito.
Dati si sir Marrione ....Ngayon naman ang gwapong bodyguard nito.Bulong ng iba.Sabay-irap ng mga ito sa kanya.Hindi na lang niya pinansin ang mga ito.