Binibihisan ko pa ang anak ko dahil excited na siyang lumabas. May mga tao na sa baba pero mabibilang pa lang naman. Nandito rin si Kuya Sherwin na panganay na anak ni Papa. Hindi niya kasama ang asawa at mga anak niya dahil gabi na. Uuwi rin lang siya mamaya. Pumunta lang siya rito para makita kami. Nagkita naman kami noon. Medyo masungit nga lang si Kuya Sherwin pero hindi naman siya masungit sa amin. "Baby, behave later okay?" paalala ko sa anak ko baka mamaya kung anong gagawin niya. Medyo may topak pa naman ito minsan kapag nakakakita ng microphone. Namana ni Jay ang talento ng ama niya at hilig niya rin talagang kumanta na kahit may ibang nakahawak ng microphone ay aagawin niya. "Mommy, I will behave because I am tired," sabi niya sa akin. Inayos ko na lang ang magulo niyang buho

