"Are you really okay?" tanong ni Claire. Kanina niya pa ako sinusundan. Siya ang naghatid sa akin sa magiging kwarto ko raw. Katabi ko ang kwarto niya. "Oo," tipid kong sabi sa kaniya. Medyo sumakiy lang ang tiyan ko kanina. Siguro ay dahil sa biyahe. Mabilis namang nagpatawag ng doctor ang ina niya at sinabing okay lang naman kailangan lang ng pahinga. "Sleep na lang you muna here," sabi niya. Kanina pa rin iyan. Sumasakit ulo ko sa salita niya. Gusto ko sana siyang pagsabihan kaya lang nakakahiya naman at ako na nga lang ang nakikitira ako pa ang may ganang magsalita sa kaniya. "Matutulog na lang talaga ako," sabi ko sa kaniya. Tumango siya at sinarado na ang pinto. Agad akong pumunta sa kama. Inaantok na ako kanina pa. Hindi ako maayos na nakatulog sa sasakyan dahil masakit ang pang-

