Para akong nawala sa sarili ko sa nakita ko. Pero pinilit kong huwag ipakita ang nararamdaman ko. Gumagalaw na si Annika at gusto nang kumawala pero hindi ko siya binitawan. Kailangan ko ng makakapitan dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko. Mabuti na lang at pumasok agad sila sa loob ng bahay nina Anne at Ace. Nandito lang ako sa labas at walang balak na pumasok. Hindi makalabas si Anne kasi kinakausap niya ang dalawang bisita kasama ang asawa niya. Gusto ko ng umalis dito kaya lang ay alam kong mapapansin ni Mr. Jaenn kung saan ako dadaan dahil nasa kabilang kanto lang naman ang bahay ni Allen. Gusto ko ng takasan ang sakit na nakikita ko pero wala akong ibang magawa kung hindi damahin lang ang sakit. Wala akong magagawa kasi wala akong choice. Kumalas si Annika sa hawak ko k

