After 6 years A new beginning. Naghihintay lang kami kay Evan ngayon. Kanina pa nagrereklamo ang anak ko dahil ang init daw. "Can we go back inside the airport, Mommy? It's so hot in here," sabi na naman nito. Hawak siya ng yaya niya. Kahit na may fan na para sa kaniya ay reklamo pa rin ito ng reklamo. Hindi ko alam kung saan ito nagmana. Hindi naman ako reklamador noon pero ito parang lahat na lang nirereklamo. "Jay, stop fronting, Tito Evan's coming na," sabi ko rito. I only saw him snorted. Kahit na ilang beses ko ng tinitino itong batang ito ay ganiyan pa rin ang ugali. Reklamador pa rin. Hindi naman nagtagal at dumating na si Evan. Mabilis na tumakbo si Jay para salubungin ang Tito niya at pumasok sa loob ng sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako. Tinulungan ko na lang si Kel

