Hindi na nakahirit pa si Mr. Jaenn pagkatapos naming kumain kasi hinihila na siya ni Jenny. Busangot ang mukha niyang nakatingin sa akin. Nakangiti lang ako dahil hindi mangyayari ang gusto niyang mangyari. Hindi siya tinantanan ni Jenny dahil halos hindi ito makapili ng laruan. Kanina pa kami palakad-lakad pero wala siyang natitipuhan. Nakasunod lang naman ako sa dalawa. Si Mr. Jaenn lang ang lingon ng lingon sa direksyon ko para bumusangot. “How about that one?” pagod na tanong ni Mr. Jaenn. Kanina pa siya turo ng turo pero hindi iyon nagugustuhan ni Jenny. Iling lang ito ng iling. Hanggang sa kailangan ng bumalik ni Mr. Jaenn sa opisina ay hindi pa rin nakapili si Jenny. Busangot ang mukha nitong nagpaalam. Kapag tapos na raw kami rito ay pumunta kami sa opisina niya. Hindi naman nag

