Kabanata 11

2251 Words
Kabanata 11 Despite everything that happened—kahit wasak pa ang puso ko, kahit naguguluhan pa rin ako sa lahat—pinili kong bumangon. Pinili kong pumasok sa trabaho. Hindi dahil handa na ako. Hindi rin dahil okay na ako. Pero dahil kung mananatili akong nakahiga sa kama, mapapatay ako ng mga iniisip ko. The silence would consume me. The guilt. The pain. The fear. The regret. Lahat ‘yon ay mas maingay sa loob ng kwarto kaysa sa kahit anong ingay sa opisina. Mas mabuti nang abala ako. Mas mabuti nang pagod ang katawan kaysa tuloy-tuloy ang pag-ikot ng utak ko sa mga “bakit” at “paano.” “Kahit isang araw lang, Yaz,” pakiusap ni Tito Bryan habang nag-aalmusal kami. “Pahinga ka muna. Hindi ka pa okay.” Ngumiti ako, pilit pero matatag. “Kaya ko po, Tito. Mas gusto ko nga pong may ginagawa ako.” Pinanood lang niya ako. ‘Yung tingin niya na parang gusto pa niya akong pigilan, pero alam din niyang buo na ang loob ko. At gaya ng dati—kahit hindi sang-ayon—naniwala pa rin siya sa’kin. Hinatid niya ako sa opisina. Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Walang usap, pero ramdam ko ang bigat ng pag-aalala niya. Paulit-ulit siyang sumusulyap sa akin, na para bang sa isang segundo ng kahinaan ko ay mag-U-turn siya pabalik ng bahay. Pagdating namin sa harap ng building, dumungaw ako sa bintana. At doon ko siya nakita. Si Clyde. Nasa may entrance siya ng lobby, naka-formal na attire, hawak ang phone pero parang may hinahanap sa paligid. “’Yung lalaking ‘yan ang...?” tanong ni Tito, kita sa tono ng boses niya ang biglaang pagtaas ng tensyon. Wala pa akong naisagot, pero bigla na lang niyang binuksan ang pinto ng sasakyan, parang balak bumaba. “Tito, please,” mabilis kong sambit, hinawakan ko siya sa braso. Napatingin siya sa akin. Galit na galit ang mga mata. “May kinalaman siya sa nangyari sa inyo ni Earl—“ “Tito, please. Ayoko ng gulo dito. This is my workplace.” Saglit siyang tumitig sa akin. Kita ko ang pagpipigil niya, ang gigil sa panga, ang mahigpit na hawak niya sa manibela. Pero sa dulo, tumango rin siya. “Fine,” aniya. “Pero Yazmin… kapag ginulo ka ng lalaking ‘yan, sabihin mo agad sa akin.” Binuksan ko ang pinto at lumabas ng sasakyan. Nilingon ko si Tito, at ngumiti ako, kahit alam kong hindi aabot hanggang mata. “Thank you, Tito. Sa lahat.” Tumango siya, at bago ako tuluyang pumasok, narinig ko pa ang huling paalala niya: “Mag-ingat ka, Yaz. At ‘wag kang magpapaapi kahit kanino.” Pagpasok ko sa lobby, hindi ko iniwasan si Clyde. Ni hindi ko siya tiningnan. Dumiretso lang ako sa elevator, taas noo, kahit binabagyo ang loob ko. He was my past. He was my mistake. And he will remain that way. *** Bago tumungo sa floor namin, nagtagal ako saglit sa banyo nang mapaiyak na naman ako. Pagdating ko sa floor, dala ko pa rin ang bigat ng buong gabi at umaga. Pero kahit papaano, naka-focus ako sa goal ko ngayong araw: Work. Breathe. Repeat. Gano’n lang muna. Pero pagdating ko sa office—yung cubicle ko—napahinto ako. May tao na ro’n. Isang babaeng naka-ID na pula ang strap. Intern. Nag-aayos siya ng mga folders sa lamesa ko. Pamilyar ang ayos ng space, pero may kaunting pagbabago. Wala na ‘yung personal ko sa mesa—wala ‘yung picture frame, wala ‘yung planner ko, wala ‘yung mug na may pangalan ko. What the hell...? “Hi po,” bati niya agad, medyo kinakabahan. “Kayo po ba si Ma’am Yazmin?” Tumango ako. “Yes. Bakit may ibang tao sa office ko?” “Yaz, pinalipat ni Ma’am Carmela ang mga gamit mo, doon ka na daw assigned sa office ni Sir Clyde,” si Jessica na galing ng mini pantry nila. Clyde. I almost forgot to breathe. “Oh,” ‘yon lang ang nasabi ko. Samantalang nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Jessica. Nag-aalala nang mabistahan ang mukha ko. Pilit lang akong ngumiti sa kanya, nagbibigay senyales na mamaya na lang kami mag-usap. So this is it. Ito na talaga. Hindi lang pala ako haharap kay Clyde tuwing may meeting o kapag may kailangang pirmahan. Ako na ang literal na ililipat sa loob ng opisina niya. Tila nanikip ang dibdib ko habang papalapit ako sa glass door. Kitang-kita mula sa labas ang loob: minimalist style, may sariling coffee machine, may couch sa gilid, at siyempre… si Clyde, nakaupo sa desk, focused sa laptop niya. Huminga ako nang malalim. Kaya mo ‘to, Yazmin. Trabaho lang ‘to. Kumatok ako nang marahan. Lumingon siya. Pagkakita niya sa akin, agad siyang tumayo. Pagbukas niya ng pinto, sandali siyang natigilan. “Yaz…” He looked at me—really looked at me. “Namamaga ang mata mo.” Nag-iwas agad ako ng tingin. “Allergy,” mabilis kong sagot. Hindi siya nagsalita, pero alam kong hindi siya naniwala. Kilala niya ako. Masyado niya akong kilala para palampasin ‘yon. “Pasok ka,” sabi niya sa huli. “I was waiting for you.” Right. Of course alam niyang ako ang magiging assistant niya dito. Tahimik akong pumasok. Inilapag ko ang bag ko sa assistant desk sa gilid, ‘yung obvious na bagong setup lang para sa akin. Nilingon ko siya. “Let’s get one thing straight,” panimula ko. “I’m here to work. Nothing more.” “Of course,” sagot niya. “Strictly professional.” Pero kahit sinabi niyang professional, hindi ko maiwasang mapansin ang bahagyang kurba ng ngiti niya. ‘Yung tipong hindi mo alam kung totoo o may tinatago. Umupo siya ulit sa upuan niya. Ako naman, pinindot agad ang power button ng desktop sa tapat ko. Tulad ng sinabi ko: I’m here to work. Pero habang binubuksan ko ang email ko, ‘di ko mapigilang maramdamang nakatitig pa rin siya sa akin. I could feel it—his gaze. Matalim pero hindi galit. Parang may gustong itanong. O gustong balik-balikan. “Yaz…” tumikhim siya. Hindi ako tumingin. “Yes, Sir?” mariin kong sagot habang nakatutok pa rin ang mata ko sa screen. Tumawa siya. Mahina lang. “Okay. So that’s how we’re doing this?” “Yes,” sagot ko, diretso. “That’s exactly how.” *** Sinubukan ko. Talagang sinubukan kong magpakatatag. The whole morning, I kept my head down—checking Clyde’s emails, organizing his schedule, responding to inquiries, and printing out the updated contracts. Para akong robot. Seryoso. I didn’t speak unless I had to. Wala rin akong sinasagot na tanong na walang kinalaman sa trabaho. I tried to bury myself in the noise of productivity. Pero kahit gano’n ko kaayos ang kilos, ang mundo, hindi ko pa rin makontrol ang paligid. “Yaz, can you move the 2PM meeting with Ms. Del Rosario to Friday?” tanong ni Clyde habang tumatayo, papunta sa pantry. “Something came up with the regional head. I’ll handle her personally next time.” Tumango lang ako. “Okay, noted.” Alam kong hindi magiging madali ‘yon. Si Ms. Del Rosario ang tipo ng kliyente na ayaw na ayaw pinapagalaw ang schedule niya. Pero trabaho ko ‘yon, kaya ginawa ko. Tinawagan ko siya. Maayos kong ipinaliwanag ang reason. Calm voice, respectful tone—everything by the book. Pero hindi ko inaasahan na... lalakas siya ng ganito. “What do you mean re-schedule? Do you even know how hard it was to book this meeting?” sigaw ng boses mula sa kabilang linya. “Unprofessional. Hindi ito acceptable!” I tried to explain again, softer this time. “Ma’am, I understand completely. It’s just that—” “You understand? You understand? Oh please! Do you even take your job seriously? Or are you just some intern playing secretary?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makapagsalita. The insult didn’t even sting because of what she said—but because I already felt that way. Hindi ako secretary. Pero ngayon, I was one. To him. And the rest? The rest was just a trigger. I ended the call as professionally as I could, voice trembling, hands cold. But the moment I placed the phone down, my chest caved in. Parang biglang bumigat lahat. Earl. Clyde. My betrayal. His diagnosis. Our ruin. This job. This room. This version of me na pilit kong binubuo... kahit basag pa rin ako sa loob. I lowered my head on my arms, resting them on the desk, and let out a shaky breath. Then the tears came. Tahimik lang sa una. Pero tuloy-tuloy. Unti-unting humigpit ang lalamunan ko, at bago ko pa napigilan, I started sobbing quietly into my sleeves. I didn’t even hear the door open. “Yaz?” I looked up, startled—Clyde. Nakatayo siya sa may pinto, may hawak na kape, nanlaki ang mga mata. Agad siyang pumasok at isinara ang pinto. “Hey, hey—what happened?” Agad kong tinakpan ang mukha ko, tumalikod, pilit na pinipigil ang sarili ko. “I’m fine,” garalgal kong sagot, kahit alam kong hindi kapani-paniwala. Kahit basang-basa na ang manggas ng blouse ko. “Yazmin…” mahina niyang tawag, malapit na siya sa mesa. I shook my head, shoulders trembling. “Please. Just… don’t.” Hindi siya agad nagsalita. I could feel him watching me, and for a moment, tahimik lang kaming dalawa. Ako, umiiyak na hindi na kayang itago. Siya, parang hindi alam kung lalapitan ba ako o hahayaan. Finally, narinig ko ang paghigop niya ng hininga. “May kinalaman ba ‘to sa tawag kanina? I heard part of it from outside.” Umiling ako, pinilit ngumiti sa gitna ng hikbi. “Hindi lang ‘yon, Clyde. Lahat. Everything. I’m tired.” He pulled out the chair across from me and slowly sat down. Hindi siya nagsalita agad. Tahimik siyang nakatingin lang sa akin—hindi with judgment, but with something else. Concern? Guilt? Familiarity? “Yaz…” he said softly. “I know you hate me. I know you probably wish you never saw me again.” Tumingin ako sa kanya. Namumugto ang mga mata ko. “This isn’t about hating you, Clyde.” “Then what is it?” I opened my mouth—but nothing came out. How could I explain a heartbreak I still didn’t fully understand? A betrayal I hadn’t even processed? A guilt I couldn’t escape? Instead, I whispered, “I just don’t know how to be okay right now.” His face softened. “Then don’t try to be. Not with me.” And that broke me even more. Because how could the one who helped destroy me… be the only one who was willing to see me this broken? Clyde leaned forward, both elbows resting on his knees. Hindi siya nagsalita agad. Parang gusto niyang punuin ‘yung distansya sa amin ng presensya niya lang—hindi ng paliwanag, hindi ng sorry. “I know,” he finally said. “And I know I don’t have the right to ask anything from you. Pero… Yazmin, please don’t carry this alone.” Napatingin ako sa kanya, namumugto pa rin ang mga mata ko, at may bahagyang galit sa puso ko dahil sa mismong taong ito—siya ‘yung dahilan kung bakit ako gumuho… pero ngayon, siya rin ang nagsasabing wag akong mag-isa. How ironic. “I’m not asking you to forgive me,” tuloy niya, marahang nagsasalita. “And I’m not asking you to let me fix anything. I just… I just want to be here. Kahit ngayon lang. Kahit hindi bilang si Clyde na nakasakit sa’yo, kundi bilang taong nakikita kang pagod, at gusto lang sanang tumabi habang umiiyak ka.” Dahan-dahan siyang tumayo. Naglakad siya sa gilid ng mesa at huminto malapit sa kinauupuan ko. Hindi siya nangahas na hawakan ako. Hindi siya lumapit pa. Pero marahan niyang inilapag ang hawak niyang cup of coffee sa tabi ng monitor ko. Then, without saying anything, he took the clean handkerchief from his pocket and gently placed it on the table, just inches from my hand. “I know you probably don’t want this from me,” aniya, sabay tiklop ng kamay niya sa harapan, “pero… in case you need something warm and clean to hold on to.” I stared at the cup. At sa puting panyo na pinatungan pa niya ng maliit na sticky note na may drawing lang ng smiley face—pamilyar na pamilyar, bagay na palagi niyang ginagawa noon sa tuwing malungkot ako, sa tuwing umiiyak ako. At doon ako tuluyang naluha ulit. Hindi dahil gusto kong umasa. Hindi dahil may natitira pa akong damdamin na dapat kong kilalanin. Kundi dahil pagod na ako. Pagod na pagod na akong maging matatag sa harap ng lahat. And for the first time in days, may taong hindi ko kailangang ipaliwanag ang bigat ng nararamdaman ko. Tahimik lang siyang naroroon. Kinuha ko ang panyo. “Thank you,” bulong ko. Ngumiti siya nang bahagya. “You should take a half-day. You can even go now, kaya ko naman na ‘to—“ Mabilis akong umiling. “Hindi na…I’m going to do my job. I have to.” Saglit siyang natigilan at dahan-dahang tumango. “Okay, Yaz.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD