Kabanata 13

2265 Words
Kabanata 13 Pagkalabas ko ng lobby, wala na akong naririnig kundi ang mahinang ugong ng gabi. Tumatakbo ang oras sa paligid ko—ilaw ng sasakyan, nagmamadaling mga taong nais ng makauwi sa mga bahay nila, ingay ng mga taong naglalakad—pero ako, para akong nasa loob ng bote. Nakaipit. Nahihirapan huminga. Wala na si Earl sa likuran ko. Pero naramdaman ko… may humabol. “Yazmin.” Si Clyde. Hindi ko na siya nilingon. Ramdam ko ang lalim ng buntong-hininga niya habang nakasunod sa akin. Marahan, pareho kaming tahimik, pero ako—ramdam kong unti-unti nang nilalamon ng hilo, ng lamig, ng pagod ang sarili ko. “You’re not looking good, Yaz. You need to rest,” sabi ni Clyde, bahagyang hinihintay kung hihinto ako. Hindi ako nagsalita. Nilakasan ko ang loob ko. Tumigil siya sa tabi ko, pilit inaabot ang braso ko. “Yaz, please. Let me take you home.” Umiling ako. “Kaya ko na. Gusto ko lang… makauwi.” “Kaya nga sumama ka na sa akin, ihahatid kita—” “Clyde,” putol ko sa kanya, mahina pero mariin, “Kaya ko na. Please. Just leave me alone.” Saglit siyang tumahimik. At ako? Tumalikod. Pilit pa ring pinatatatag ang mga hakbang ko patungong sakayan. Pero ilang saglit lang parang hindi ko na nararamdaman ang sarili kong mga paa na tumatapak sa lupa. One step. Another. Kaya mo pa, Yaz. But another step, and I felt like my vision blurred, and something in my head and stomach ached. “Yazmin?” Lumingon pa ako saglit, saglit lang—hindi ko na makita nang maayos ang paligid. Malabo. Nagdidilim. Lumulutang. At bago ko pa mabigkas ang kahit anong salita, tumiklop ang tuhod ko, bumigay ang katawan ko, ngunit bago ko maramdaman ang pagbagsak sa lupa, naramdaman ko ang paghawak sa akin. Ang huling narinig ko ay ang malakas at desperadong sigaw— “YAZMIN!” Boses ni Clyde. Tapos... wala na. Kadiliman. Katahimikan. *** Maliwanag. Masakit sa mata. Mabigat ang katawan ko, parang binuhat ng kung sinong higante, saka ibinagsak ulit. Unti-unti akong nagmulat ng mata, at ang una kong nakita ay puting kisame, ilaw na malamlam, at ang tubing nakakabit sa kamay ko. Hospital. Napalingon ako sa kanan—at doon ko siya nakita. Clyde. Naka-upo sa couch malapit sa kama. Nakayuko, nakasandal ang siko sa tuhod, at hawak ang ulo niya. Mukha siyang hindi natulog. Nakalilis ang sleeves ng polo niya, may bahid ng pagod sa mata, pero gising siya. Dahil nang gumalaw ako ng kaunti, agad siyang tumingin. “Yaz?” Agad siyang lumapit. “Hey. Hey… you’re awake.” Hindi ako agad nakasagot. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero mahina pa rin. “Relax,” aniya, marahang hinawakan ang gilid ng kama. “Naka-IV ka pa. You fainted. Dehydrated. Hypoglycemia. Halos bagsak lahat ng vitals mo.” Napapikit ako, pinilit maalala. The lobby. Earl. The shouting. The walking away… and then, nothing. “Dinala kita agad dito,” tuloy niya. “Tinawagan ko ang Tito Bryan mo pero nasa Batangas daw siya, but he’s going to come here, he’s on the way. Hindi ko na nga lang itinawag sa Lola mo at baka kung mapaano pa siya.” Tumango ako. “S-salamat,” Ipinikit ko ang mga mata ko ngunit kinagat ang labi ko. Ramdam ko ang pagkauhaw, nanunuyo ang lalamunan ko pero ayokong utusan pa si Clyde. I didn’t want to ask him for help. I didn’t want to look like I needed him, even though he’d clearly been here the whole time, watching over me. So I swallowed hard, though it hurt. From the corner of my eye, I glanced at the water pitcher sitting on the small table nearby. I didn’t mean to look for long, but apparently, it was enough. Because Clyde noticed. He didn’t say a word. But I heard him shift in the chair, stand up, and then the soft sound of the pitcher lid being opened, followed by the gentle trickle of water into a glass. A few moments later, I felt him return to my side. “Here,” he said quietly. He gently lifted my head from the pillow with one hand, careful and slow, while holding the glass with the other. A straw dipped toward my lips. “Just a little,” he added. “You haven’t had anything since yesterday.” I didn’t argue. I let the cool water touch my lips and slide down my throat. It stung at first—probably from the dehydration—but the relief came immediately after. Like my body had been begging for something it didn’t even know it needed. “Thanks…” My voice was still hoarse. He placed the glass back on the table but didn’t walk away. Instead, he sat there again, quiet, hands folded, gaze lowered. Like he wasn’t sure if he was allowed to speak or not. Tiningnan ko siya. “Anong oras na…pwede ka nang umuwi, Clyde.” “You don’t have to take care of me, Clyde,” I murmured. “I’ll be fine.” He looked up slowly. His expression didn’t change much, but there was something softer in his eyes. “I know you will,” he said gently. “But that doesn’t mean you shouldn’t be taken care of.” Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Walang lakas na makipagargumento pa sa kanya. Dahil sa hinaba-haba ng panahon, may mga bagay pa rin akong alam kay Clyde. Kagaya nang ipipilit niya kung anong gusto niya basta ramdam niyang kailangan ko. “I don’t know if I have a place in your life anymore… I still want to make things right. Even if it’s just by being here now.” Dinig kong bulong niya sa oras na mukhang inaakala niyang tulog na ako. Sa pagpikit ko’t muling pagkawala ng kamalayan. Bumalik ako sa nakaraan… *** Flashback years ago… Mainit ngayon sa courtyard. Ramdam ko ang pawis sa batok ko habang bitbit ko ang kahon ng mga damit na donasyon, papunta sa storage room ng ampunan. Ilang taon na rin mula noong umalis ako rito, pero parang wala namang nagbago—pati ang amoy ng semento at ng mga nakasampay na damit sa labas, pareho pa rin. Pumapasok ang araw sa bintana, tumatama sa hallway, at sa bawat kanto ng lugar na ‘to... may alaala ako. Dito ako lumaki. Ngayon, volunteer na lang ako. Pero kahit kailan, hindi ako naging bisita rito. Hindi ko kayang ituring ang lugar na ‘to bilang iba. Dito ako unang natutong tumawa. Dito rin ako unang natutong masaktan. Pagdaan ko sa courtyard, napahinto ako saglit. May lalaki. Nakaupo siya sa gilid ng sandbox. Tahimik. Hindi ko siya kilala—hindi siya taga-rito. Naka-white shirt, medyo gusot, parang hindi siya sanay sa ganitong lugar. Dalawang batang paslit ang kasama niya. Gumagawa ng sand castle. Tahimik lang din sila, pero panaka-nakang tumatawa ‘yung isa. Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Hindi ko maialis. Ang gwapo— Magtigil ka, Yazmin! “Si Clyde,” sabi ni Sister Marcy na biglang lumitaw sa tabi ko, kasunod ng paningin ko. “Bagong volunteer. Kanina lang dumating. Tahimik lang. Pero mukhang gusto siya agad ng mga bata.” “Ah,” sagot ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya matanggal sa paningin ko. Bumalik ako sa paglalakad, pero kinahapunan, nagulat akong na-assign kaming dalawa sa reading room para mag-ayos ng mga lumang libro. Pagpasok ko, andun na siya—nakaupo sa gilid ng mesa, hawak ang isang lumang aklat, pinupunasan ang alikabok. Tahimik lang. Wala akong naririnig kundi ang electric fan at ang lagaslas ng mga pahina. Inilapag ko ang clipboard sa mesa at sinimulang ayusin ang mga lumang encyclopedia sa shelf. Ilang minuto ang lumipas bago ako nagsalita. “Do you come here often?” agad kong pinagsisihan ang tanong. Ano ba ‘yan, Yazmin? Bar ‘to? Lumingon siya, bahagyang ngumiti. “Pickup line ba ‘yan?” Napatawa ako, awkward. “Sorry. Pangit ng phrasing ko.” “No worries,” sagot niya. “First time ko rito. Needed some quiet. Tahimik dito. I like that.” Tumango ako. “I grew up here,” sabi ko, halos pabulong. Tumigil siya sa pag-aayos ng libro. Tumingin sa akin. “Dito ka lumaki?” “Yeah. Umalis ako when I was twelve. Inampon ako ng mag-asawa. Pero bumabalik ako. Gusto kong makatulong.” Hindi siya agad nagsalita. Parang iniisip pa niya kung ano’ng isasagot. “That’s good,” sabi niya sa wakas. “Not everyone comes back.” Tahimik. Pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita siya ulit. Mas mahina na ang boses. “Not everyone has something to come back to.” Hindi ko alam kung ano’ng isasagot doon. Kaya tinapunan ko na lang siya ng tingin. Hindi na siya ngumiti. Pero hindi rin siya umiwas ng tingin. At sa sandaling ‘yon, sa gitna ng mga alikabok ng lumang aklat, biglang tumahimik ang mundo. At doon ko siya unang nakita. Hindi lang sa mata—kundi sa sakit na dala niya. I thought that would be it. Akala ko tapos na ‘yung usapan namin ni Clyde sa reading room. Thought he’d go back to stacking books, and I’d go back to pretending na hindi ko siya nararamdamang umiikot sa peripheral vision ko. Pero habang pinupunasan ko ang isa sa mga luma’t kupas na hardbound, naramdaman ko siyang lumapit. Dahan-dahan lang, parang ayaw akong gulatin. Hindi siya nagsasalita. Pero ang presensya niya, naroon. Palapit. “Anong pakiramdam?” tanong niya, mahina. “Na lumaki rito?” Napatingin ako sa kanya. Nasa tabi ko na siya ngayon. Nakatayo, hawak ang isang aklat, pero hindi ‘yun ang pakay niya. Nagkibit-balikat ako. “Mixed.” “Mixed?” “Yeah,” sagot ko, sabay balik ng tingin sa hawak kong libro. “Masaya kapag may laruan. Malungkot kapag may umaampon sa kaklase mo tapos ikaw na lang ang natitira.” Hindi siya sumagot. Pero hindi rin siya umalis. Nakikinig lang siya. “Kaya ako bumabalik,” dagdag ko. “Para maalala kung saan ako nanggaling. At para matiyak na hindi ko kakalimutan ‘yung mga batang naiwan.” Tumango siya, bagal ng kilos. “That’s… really something.” I glance at him again. This time, mas matagal ko siyang tinitigan. Sa lapit niya, kita ko ang bahagyang pilat sa ilalim ng kaliwang kilay niya. Hindi halata kung hindi mo lalapitan. At ‘yung mga mata niya, ‘yung ganung klaseng mata na parang... lagi na lang may tinatakasan. “Why are you here?” tanong ko. Nagtagal siya bago sumagot. I almost thought he wouldn’t. “Community service,” sagot niya sa una, flat. Pero pagkatapos ng ilang segundo... “...and maybe because I didn’t know where else to go.” Tahimik kami. Tumingin siya sa akin, and for the first time, hindi niya tinago ‘yung lungkot sa boses niya. “Have you ever felt like no one’s really waiting for you? Kahit saan ka magpunta, kahit anong oras ka dumating... walang maghahanap?” Napalunok ako. Slowly, I nodded. “Yes. Almost my whole life.” And there it was. The moment the wall cracked. After that afternoon in the reading room, something changed. Hindi man kami agad naging close, pero hindi na rin kami strangers. Minsan, makikita ko siya sa may garden, nakaupo lang habang tinititigan ‘yung mga batang tumatakbo. May dalang laruan. Minsan, wala. Pero palagi siyang present. Tahimik. Tulad ko, hindi palakibo. Pero kapag nagtagpo ang mata namin—may ngiti. Hindi ‘yung tipong “hi-crush” smile. Kundi ‘yung simpleng “ah, nandito ka ulit” kind of smile. And somehow, that was enough. One Sunday afternoon, habang binabantayan ko sina Marcus at Lalaine habang nagdo-drawing sa ilalim ng puno, dumating siya. “You were right,” bulong niya. I glanced at him. “About what?” “About this place. It… feels like something you come back to. Kahit wala kang history rito.” Napangiti ako, kaunti. “Maybe that’s what makes it home. Kahit sino, puwedeng pumasok.” He looked at me for a moment, long enough that I had to look away. A few days later, he was the one who found me crying behind the chapel. I don’t even remember what triggered it—maybe exhaustion, maybe memory. Pero doon niya ako inabutan. Nakaupo sa bangko, hindi umiiyak nang malakas, pero ‘yung tipo ng iyak na mahirap pigilan. ‘Yung tahimik pero buo. Mabigat. He didn’t say anything. He didn’t ask. Umupo lang siya sa tabi ko. Hindi siya nagyabang ng mga salita. Hindi niya ako tinanong kung “okay lang ba ako.” Wala siyang “gusto mo ng tubig?” o “sino nanakit sa’yo?” Umupo lang siya roon. At nang tumigil na ako sa pag-iyak, saka lang siya nagsalita. “Next time… you can cry somewhere less cold.” Napatawa ako—kahit basang-basa pa ang pisngi ko sa luha. “Kasi concerned ka sa upuan?” “Hindi. Concerned ako sa’yo,” he said, with a hint of a smile. “Gusto ko lang na kapag umiiyak ka, at least, comfortable ka.” And I don’t know why, but in that moment… I wanted to stay beside him a little longer. Maybe it was the way he saw right through me without trying to fix me. Maybe it was the way he didn’t try to make me laugh, but still managed to. Maybe it was just him. Maybe… it was starting to be us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD