Feleona's POV . "Hi, baby. It's your godmother here. Ang gwapo mo talaga. Nagmana ka sa daddy mo. . . ang mga mata mo, ang makakapal na kilay mo na parang galit ka yata makatitig sa akin, baby ano? At ang muscles mo? Tsk, nagmana sa daddy. Tiyak magiging marine ka rin katulad ng daddy mo." Napangiwi ako nang marinig ito at nilingon ko na siya. "Navy marine, Carmella," pagtatama ko sa kanya. Napalingon agad siya sa akin at bahagyang natawa. "Oh well, mgkapareho lang naman ang lahat. Walang pinagkaiba!" pilyang ngiti niya. Ibinalik na ang mga mata kay Gabby at masaya siyang nakikipaglaro sa bata. I don't know why until now she's still here. Tatlong buwan na! At mukhang walang plano na bumalik si Carmella ng Italya. I have no complaints. I like this anyway because she helped me a lot wi

