5. ANGELO

1706 Words
Nakahinga ako ng maluwag nang magsara ang elevator pero nanatili ang mabilis na pagtibók ng puso ko na makita siyang muli. Masarap sa pakiramdam ko na nakita uli siya pero hindi na dapat iyon maulit pa. Delikado kapag nalaman niyang ako ang babaeng kinatagpo niya kagabi at may nangyari pa sa amin. Niloko ko siya. Ayokong mawalan ng trabaho at ang masaklap pa doon ay siguradong ikagagalit niya iyon ng lubusan. Bumaba na ako ng elevator pagdating sa 12th floor. Doon kasi ang assignment ko ngayon. Habang naglilinis sa isang room ay iniisip ko kung ano kaya ang idadahilan ni Ellen kay Sir Cohen. Iniisip ko rin ang mararamdaman ni Sir Cohen, masasaktan kaya siya? Hay, eh ano ba namang feeling ko na gusto niya agad ako sa unang kita pa lang namin. For sure wala lang ako sa kanya. Tingin ko hindi naman siya ganoon kahilig sa babae, sa walong buwan kong nagtatrabaho rito ni minsan hindi ko naman siya nakitang may kasamang babae, aside business matter. Masyado siyang seryoso at focus sa negosyo nila kaya seryoso siyang mapangasawa si Ellen para lalong lumakas ang negosyo niya. Negosyo ang nasa isip niya kaya for sure balewala lang sa kanya kung ayawan siya ni Ellen. Ang tanging mararamdaman lang niya ay galit dahil niloko namin siya. Breaktime ko at habang kumakain ay katext ko si Ellen. Akala ko ay magiging maayos na ang lahat pero nagkaproblema dahil ayaw pumayag ng Daddy niya na icancel ang agreement kay Sir Cohen. Nasa States ngayon ang Daddy niya dahil sa business na inaasikaso doon at wala rin itong alam sa pinaggagagawa namin ni Ellen. Nagtatalo kami ni Ellen dahil gusto niyang ituloy ko ang pagpapanggap hanggang si Sir Cohen mismo ang umayaw sa akin at mag cancel sa kasal nila. Hindi pa naman ako nakakapagdecide dito dahil ayoko na talagang humarap pa kay Sir Cohen at magpanggap bilang si Ellen pero may parte naman sa isip ko na gusto kong gawin. Gusto kong gawin dahil gusto kong makasama muli si Sir Cohen. Ellen: Sis, alam ko gusto mo rin. Chance mo na 'to na mapalapit sa prince charming mo. Hindi mo naman seseryosohin eh. Bahala ka na kung paano mo gagawin na siya mismo ang magcancel ng kasal namin. Yung walang alam si Ellen sa pangyayari kagabi at ang tanging nasabi ko lang sa kanya ay yung tungkol sa restaurant at paglipat namin sa bar. Hindi ko masabi sabi sa kanya dahil siguradong makakarinig lang ako ng kung ano anong salita at baka lalong matuliro lang ang isip ko. Sabrina: Baka mabuko tayo. Ayokong mawalan ng trabaho. Alam mo namang kailangan ko ito eh. Wala na akong mahahanap na kumpanya na kasinlaki ng sweldo ko rito at maganda pa ang benefits. Ellen: Hindi ka naman mabubuko kung hindi ka magpapabuko eh. Ikaw pa ba ang galing mo kaya sa ganito? Sige na please, help me. Last na pabor ko na 'to. Hindi na kita guguluhin after this. Hindi ko na nireplyan pa si Ellen. Gulong gulo ang isip ko. Kung tutuusin madali lang naman magdesisyon na tumigil na lang at huwag ng makialam sa problema ni Ellen pero naguguluhan ako dahil may parte sa akin na gusto kong magpatuloy pa. Hays! Ano bang ginawa sa akin ni Sir Cohen at bakit ako nagkakaganito! Pagkatapos ng oras ng trabaho. Napangiti ako nang salubungin ni Angelo pagpasok ko ng pinto ng bahay namin. Agad ko siyang kinarga. Pakiramdam ko ay nawala ang pagod at stress ko sa katawan nang mayakap ang anak ko. "Mama!" Banggit niya pagkarga ko sa kanya. Tatlong taon pa lang siya. Pamangkin ko siya na itinuring ko ng anak. Ako na kasi ang nag alaga sa kanya simula ng mawala ang ina niya at kapatid ko sa panganganak sa kanya. "Ano ba naman yan, nak! Ang dumi-dumi mo. Naglaro ka na naman ba sa labas?" Sambit ko. Hindi naman niya ako sinagot. Bumaba siya sa akin at nagpatuloy sa paglalaro ng laruan niyang robot. "Nay, bakit po ang dumi ni Angelo?" Tanong ko kay Nanay na nagtutupi ng mga nilabhang damit. "Eh ayaw paawat sa paglalaro sa labas eh. Hindi ko pa mapaliguan dahil may ginagawa pa ako kaya ikaw na lang." Sagot ni Nanay na busyng busy sa mga damit na tinutupi niya. "Sabi ko kasi sainyo Nay, itigil niyo na ang paglalabada. Medyo malaki naman ang sinesweldo ko sa hotel kasyang kasya na sa lahat ng gastusin natin." "Sab, lumalaki na si Angelo, next year mag aaral na siya. Madadagdagan ang gastusin natin. Malakas pa naman ako. Hanggat kaya kong magtrabaho gagawin ko para sa inyo." Sabi ni Nanay na mula noon talaga sa tuwing pahihintuin ko siya sa paglalabada niya ay ganito lagi ang sinasabi niya, na hanggat kaya pa niya ay magtatrabaho siya. Bigla ko tuloy naalala si Aryana na kapatid ko na dalawang taon na mas bata sa akin at bigla na naman ako nakaramdam ng pinaghalong lungkot at sakit sa pagkawala niya ng maaga. Pinili na lang namin ni Nanay na magpakatatag at magpatuloy sa buhay. Inisip na lang namin na nawala man ang kapatid ko, kapiling naman namin si Angelo na anak niya at pakiramdam ko ay parati pa rin namin siya kasama dahil sa bata. Angelo ang ipinangalan ko sa kanya dahil isa talaga siyang anghel sa buhay namin. Kahit papano naibsan niya ang sakit na naramdaman namin ni Nanay sa pagkawala ni Aryana. Si Nanay na lang ang tanging magulang ko dahil bata pa ako ng mawala sa amin ang tatay ko kaya mag isa kaming tinaguyod ni Nanay mula noon. Pumasok ako sa kwarto at nagbihis. Paglabas ko ay pinaliguan ko na si Angelo at sabay-sabay kaming naghapunan. Napamasid ako kay Angelo habang himbing siya sa pagtulog. Habang lumalaki kasi siya ay mas lalo siyang gumugwapo. Maganda si Aryana pero hindi ko alam kung sa kanya ba namana ni Angelo ang pagiging gwapo nito, parang malayo kasi ang mukha sa kanya. Siguro kamukha ni Angelo ang ama niya. Ang ama niya na hindi masabi ni Aryana kung sino. Naalala kong halos magulpi siya ni Nanay noong sabihin niyang buntis siya. 20 years old pa lang kasi siya noon at nag aaral pa. 2nd year college pa lang siya kaya masamang masama rin ang loob ko noon sa kanya. Tumigil ako sa pagaaral sa college nung magcollege na siya. Matalino kasi siyang bata at mas pursigido kaysa sa akin. Naisip kong malayo ang mararating niya dahil mataas ang pangarap niya at alam kong matutupad niya. Huminto ako para sa kanya magfocus si Nanay dahil hindi naman kaya ni Nanay na sabay kaming pag aralin ng college. Pinili kong magtrabaho na lang para makatulong sa gastusin. Sales lady sa isang mall ang unang trabaho ko noon dahil highschool graduate lang ang qualification. Naging maayos ang takbo ng buhay namin hanggang mabuntis si Aryana. Masakit sa akin dahil nagsakripisyo ako pero ito lang ang kinahinatnan. Mas masakit dahil hindi naman niya boyfriend ang nakabuntis sa kanya at nangyari lang raw ng isang gabi. Ni hindi niya nakilala ang lalake. Kahit masama ang loob ko at ni Nanay ay tinanggap na lang namin dahil nariyan na at wala na kaming magagawa. Mabait naman na bata ang kapatid ko kaso mabarkada talaga siya. Mahilig siyang sumama sa mga kaibigan niya sa bar at iyon ang nagpahamak sa kanya. Nagpatuloy pa rin siya sa pag aaral. Nangako siyang magpupursigi dahil pareho lang naman naming pangarap ang makatikim ng kaginhawaan sa buhay. Pangarap naming maranasan ni Nanay ang magandang buhay kaso nagunaw rin ang lahat ng iyon noong hindi niya kinaya ang panganganak at bawian ng buhay. Napakasaklap ng pangyayaring 'yon. Napakagulo ng utak ko na parang may gusto akong sisihin. Hindi ko alam kung siya ba o ang mga kaibigan niyang nagpahamak sa kanya o ang ama ng bata na matapos siyang makuha ay pinabayaan na lang siya. Sa tatlong iyon ay sa huli ako mas napapaisip, sa ama ni Angelo. Pansin ko kasi kay Aryana ay parang may tinatago siya na hindi niya masabi sa amin. Feeling ko kilala niya kung sino ang ama ng bata pero ayaw niyang sabihin. Siguro dahil alam niyang hindi ako papayag na hindi mapanagutan ng lalakeng iyon ang kapatid ko. Hindi ko alam kung ano bang nangyari, pero alam kong may mali sa lahat ng nangyari. Gusto kong hanapin ang ama ni Angelo pero hindi ko naman alam kung paano at saan ako magsisimula dahil wala akong idea kung sino. Ang mga kaibigan ni Aryana ay hindi din alam. Hindi ko lang alam kung ayaw lang nilang sabihin o wala talaga silang alam. Ang nasa isip ko na lang ay walang lihim na hindi nabubunyag at alam kong magtatagpo rin ang landas namin ng lalakeng iyon. Tumunog ang cellphone ko at kinuha iyon sa ilalim ng unan ko. Ang pamilyar na number ni Sir Cohen ang nasa notification ko. Hindi na siya nagtext pa kanina at ang buong akala ko ay sumuko na siya pero heto siya at nagte-text na naman. Nagulat ako nang biglang magring ang cellphone. Nataranta ako nang gumalaw bigla si Angelo kaya napindot ko ang answer pero agad ko ring inoff. "Ma!" Pupungas pungas na sabi ni Angelo. Agad ko naman siyang niyakap. "Nandito lang si Mama, baby, sleep na!" Sambit ko habang yakap siya at hinahaplos ang likod niya. Nakatulog naman siya kaagad. Kinuha ko uli ang cellphone ko at binasa ang message ni Sir Cohen. "Ellen, bakit mo ba ako iniiwasan? Did I do something wrong last night? Ayaw mo ba sa akin? It's okay kung hindi mo pa ako magustuhan ngayon. I like you and that's the most important thing to me. Please let's talk." Pakiramdam ko ay parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Totoo bang gusto niya ako? Isang beses pa lang naman kami nagkita pero nasabi na niya agad na gusto niya ako, at paano kung totoo nga? Bigla akong nakaramdam ng kilig sa sinabi niyang gusto niya ako pero agad ring nawala. Ang nagustuhan niya ay si Ellen na katauhan ko nang gabing iyon at hindi naman ang totoo kong pagkatao kaya hindi dapat ako magsaya. Mas problema pa ito sa akin dahil pakiramdam ko ay mas mahihirapan akong makawala pa sa kanya. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD