GRABE ang kaba ko pagpasok sa Montevista Hotel. Kagabi pa ang kaba na ito na parang ayoko ng pumasok pa sa trabaho. Sobrang sakit pa ng ulo ko dahil halos hindi ako nakatulog kagabi sa kaiisip na alam na ni Sir Cohen ang tungkol sa akin. Pansin kong iba na ang kinikilos niya kahapon kaya tingin ko ay may hinala na siya sa akin at ngayon ay alam na niya ang lahat. Kanina pa ako napapaisip ng magandang irarason sa kanya kung bakit ko nagawang magpanggap na alam ko namang kahit ano pang irason ko ay maling mali talaga ang ginawa ko at siguradong ikagagalit niya. Ngayon tuloy ay nasa isip ko ng magresign na lang dahil siguradong tatanggalin niya rin ako sa trabaho matapos ang ginawa ko sa kanya na mismong may ari pa ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko, and worst ay baka ipakulong pa niya ako dah

