SABRINA "Hay grabe ang sakit ng legs ko, pati na ulo ko!" Daing ko habang sinusuot ang sapatos kong pantrabaho. "Indahin mo lang ng indahin ang masakit sa'yo. Ganito na ang trabaho natin. Masakit sa katawan. Ilang oras ba naman tayong nakayuko at nakatuwad sa paglilinis eh. Wala tayong magagawa kundi magpatuloy sa trabaho para sa pamilya natin." Sabi ni Julie habang sinusuot rin ang sapatos niya. "Hindi naman dahil sa trabaho kaya masakit ang katawan ko eh!" Sabi kong naalala ang ginawa namin ni Sir Cohen kagabi. Kung bakit kasi nagpakalasing pa ako. Dalawang beses ng meron nangyari sa amin na dahil sa nalasing ako. Lasing ako ng oras na 'yun pero aminado naman akong nagustuhan ko rin ang ginawa namin at hindi ako nagsisisi. Hay baliw na talaga ako! Bumigay ako sa lalakeng hindi ko na

