"Saan ka ba nakatira?" Tanong ni Arthur pagsakay namin sa kotse niya. Ihahatid niya raw ako at hindi ko na tinanggihan pa dahil nahihilo na rin ako at gusto kong magpahinga na. "Sa QC!" Sagot ko. Tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Sir Cohen na tumatawag sa akin. Iniisip ko kung sasagutin ko ba ang tawag niya. Naisipan kong sagutin kaso bigla nang nag off ang cp ko nang ma-lowbatt. Hinayaan ko na lang at isinilid na sa loob ng bag ko ang cellphone ko. "Do you eat Ramen?" Tanong niya. "Ramen? Hindi gaano eh, kapag may nanlilibre lang." Sagot ko. Mahal kasi yun para pagkagastahan ko. "Okay treat kita. Kumain muna tayo, pampawala ko kasi ng kalasingan yun eh!" Sabi niya saka pinaandar ang kotse. Si Sir Cohen ang naisip ko. Kanina lang kasama ko siya at excited ako, kaso u

