"Happy 1st Monthsary!" Bungad sakin ni Abel pagbaba ko sa kotse sa school. Niyakap niya ko at hinalikan sa labi. "Happy 1st Monthsary!" Masaya ko ring bati sa kanya. Napakabilis ng araw hindi ko namalayan na isang buwan na kami. Marami rin kaming pinagdaanan sa isang buwan na yun at naging masaya kami. Pero gaya nga ng sabi, wala talagang perpektong relasyon dahil dumaan din kami sa mga hindi pagkakaunawaan na sitwasyon at madalas dahil sa pagiging seloso namin pareho pero dahil sa pagmamahal namin sa isa't isa nagagawan din namin agad ng paraan na maayos namin yun. Every weekend din kung umuwi siya sa bahay kaya nagkakasama kami. Pumayag si Mommy sa ganun at mukhang gusto din naman niya dahil madalas na niyang nakikita ang anak niya kumpara sa dati. Wala pa rin siyang alam sa relasyon

