"Abel gising!" Panay ang ungol ni Abel habang natutulog kaya ginising ko siya baka kasi binabangungot siya. "Ahhh peanut... Tangina!" Sambit niya habang nakapikit pa rin at mukhang tulog na tulog talaga. Hindi ko maiwasan tignan yung naka umbok sa boxer short niya. Tayong tayo kasi. "Anong aahhh peanut!... Abel anong oras na gumising ka na." Gumalaw siya at nagmulat ng mata. Ngumiti siya ng makita ako. "Anong pinagsasasabi mo?" Tanong ko sa kanya. Tingin ko wala pa rin siya sa wisyo. "Gumising ka na nga, papasok na tayo sa work." Hinampas ko siya sa braso para magising na siya. Natauhan siya bigla. Tumingin tingin siya sa paligid. "Papasok na tayo? Anong oras na ba?" Tanong niya. "Mag aalas otso na!" "Bakit umaga na?" Nasa itsura niyang nagtataka. Hindi talaga siya makapaniwala

