Paglabas ko sa kwarto ko ng umaga para mag breakfast napansin kong bahagyang nakabukas yung pinto ng kwarto ni Abel na nasa tapat ng kwarto ko. Siguro merong naglilinis. Pumasok ako sa loob. Pansin kong may tao sa CR siguro may naglilinis dun. Minsan kapag namimiss ko siya pumapasok ako sa kwarto niya at nag i-stay dun ng ilang minuto gumagaan na yung loob ko. Humiga ako sa kama niya at niyakap yung unan. Amoy na amoy ko si Abel parang fresh pa yung amoy niya dun. Ilang beses ko ng sininghot ang mga amoy sa unan niya pero nandoon pa rin. Hindi ko pinapalabahan yung bed at pillow cover niya para hindi mawala yung amoy niya. Pumikit ako habang nakahiga at yakap yakap yung unan. Naalala ko nung isang araw na niyakap ako ni Abel nung nag champion sila sa basketball, doon ko na lang uli nara

