7 years later... "Sorry po!" Sabi ko sa babaeng nahagip ko ng sumakay ako sa taxi. Male-late na ko so no choice ako kundi makipag unahan sa mga pasahero sa taxi. "Sa Chavez Land po Kuya." Agad kong sabi sa driver. Napatingin ako sa oras. 7:50am. 8:30 ang pasok ko, sa Makati pa yung work ko at nasa Quezon Avenue pa lang ako, traffic pa siguradong late na naman ako nito. Nakakainis na parati na lang may technical problem yung mrt. Okay lang na ma-late ako sa pasok ko, huwag lang sa meeting namin na mag sisimula ng 9am. Malalagot na naman ako nito kay Sir Darwin kapag na-late ako sa meeting. 4 months pa lang ako sa Chavez Land as Architect Assistant pero yung late ko hindi na mabilang. Hindi na ko magtataka kung hindi ako maregular sa trabaho. Kinuha ko yung cellphone sa loob ng bag ko n

