KEANU POV "SARAH para saan to?" Kunot noong tanong ko kay Sarah nang ibigay niya sa akin ang isang card. "Dala ho ng messenger kanina. Para daw sa inyo. Galing raw ho kay Ma'am Farrah." Kaagad kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napahugot ako ng paghinga dahil sa muling pagbangit ng pangalang 'yon. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Micheal sa akin na hiwalay na umano si Farrah. Pero bakit kaya wala akong narinig na balita tungkol doon. Sikat si Robert kaya siguradong may ingay kapag nakipaghiwalay ito kay Farrah. Hindi na ako nagsalita kaya nagpaalam na si Sarah. Saka ko binuksan ang card. Invitation card iyon para sa 40th years anniversary nang Monteverde International Entertainment Corporation. Ang kompanyang minana nang kanyang ina sa mga magulang nito. It was once Ariston Internati

