LUCAS POV Pag-alis ko sa bahay nila Elle, hindi ko maiwasang mapangiti habang naglalakad pabalik sa motor ko. Parang lumulutang pa rin ako sa ere sa mga nangyari. Ang sarap sa pakiramdam na finally, kami na talaga ni Elle hindi na ilusyon, hindi na pangarap, kundi totoong-totoo na. At dagdag pa, tinanggap ako ng pamilya niya kahit na muntikan na akong ma-heart attack sa prank nina Tito Max at Tita Dorie. Pagkasakay ko sa motor, huminga ako nang malalim, sabay ngiting parang timang. “Grabe, kapitbahay lang pala ang true love ko. Wala na, jackpot ako rito,” bulong ko sa sarili ko habang pinapaandar ang motor. Hindi naman kalayuan ang bahay namin mula kina Elle, kaya makalipas ang ilang minuto, nakaparada na ako sa harap ng gate. Pinatay ko ang makina, sabay tulak sa motor papasok. Habang

