"Wala ka bang appointment ngayon?" tanong sa akin ni Bella nang lingunin niya ako sa kanyang likuran. "Wala po..." tugon ko at ibinaon ko pa lalo ang aking mukha sa kanyang leeg dahil inaantok pa ako. Kanina pa ako nakalingkis sa kanya habang may ginagawa siya. Daig ko pa yata ang sawa sa ginagawa ko ngayon, pero wala akong balak umalis sa kanyang tabi. Mabuti nga at hindi siya nagrereklamo sa akin. Tutal, nakikita na rin naman kami ni Macy kaya ayos lang na landiin siya minu-minuto. Alam na rin nitong na ikakasal na kami ng Ate Bella niya sa susunod na buwan. Ayaw pa nga pumayag ni Bella dahil masyado daw mabilis. Pero pinilit ko na dahil hindi na ako makapaghintay na maging asawa siya. Gusto ko agad na maging legal na kami para panatag na ako at para wala na akong iisipin pa. Gusto ko

