C23- Bella

2418 Words

( P R E S E N T D A Y ) Nakaramdam ako ng takot nang makita kong kumuyom ang mga kamay at magtagis ang bagang niya habang matalim na nakatunghay sa akin. Kung nakamamatay lang mga tinging ipinukol niya sa akin ay kanina pa siguro ako nakabulagta sa sahig. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa natuklasan niya sa anak niya. Ilang sandali pa, naglakad siya papunta sa akin. Napakislot pa ako nang higitin niya ako bigla sa braso at mabilis hinila palabas sa guestroom. Halos kaladkarin niya na ako sa sobrang bilis ng lakad niya na hindi ko kayang sabayan. Nang marating namin ang lanai ay nandon pa rin ang bisita niya. Lahat sila ay nakatingin sa amin Gavin, lalo na sa braso ko na hawak niya. "I'm sorry, but I can't go to the club tonight." Paliwanag niya sa mga bisita niya. "What?! But why?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD