"I love you…" Nakangiti akong lumingon kay Gavin nang muli kong marinig sa kanya iyon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya nang binulong sa akin simula pa kaninang matapos niyang mag-propose. Halos nakadikit na rin siya sa akin na kahit saan man ako magpunta ay kasama siya. Narito pa rin kami sa hotel niya at napag-usapan na rin namin na dito muna matutulog ngayong gabi dahil sa kagustuhan ng anak naming si Shanna. Nakiusap kasi ito sa Daddy niya na kung pwede siyang matulog dito nang malaman niyang Daddy niya ang may-ari ng hotel na ito. Natawa naman ang Daddy niya dahil bukod sa namamangha ito, may pa-drama pang nangyayari nang makiusap ito sa Daddy niya para lang pumayag sa gusto niya. Kaya wala na talagang masabi si Gavin sa anak namin kundi pumayag agad. Napansin ko rin nama

