Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ng babae na nagngangalang Darlyn. Halatang marami ng nainom ang babae dahil mapungay na ang mga mata nito kung tumingin. Pero hindi ako nagkakamali ng dinig na hubby ang tawag niya kay Gavin. Hubby as in asawa. Totoo ba ito? O, nagbibiro lang siya? Gusto kong isipin ang huli dahil nga lasing ito at baka nag-trip lang dahil sa lakas ng tama. At isa pa, mukhang kilala ni Gavin base sa pagbanggit ng pangalan niya rito kaya baka binibiro ito. Huminga ako nang malalim bago tumingin kay Gavin. "Kilala mo siya, Mahal?" nakangiti kong tanong at palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Maging ang mga kaibigan ni Gavin ay mukhang hindi kilala ang babae. Tahimik lang din itong nakikinig sa amin habang sumisimsim ng alak. Wala si Darwin dahil lumabas i

