Bumuga ako ng hangin paglabas ko ng kotse at dali-daling pumasok sa private elevator ko. "Sana hindi siya magalit.." mahinang sabi ko at sumandal ako sa pader dahil medyo naparami ang inom ko. Pagkapasok ko sa loob ng suite ay dumiretso kaagad ako ng banyo para mag-shower. Baka magalit sa akin lalo ang Bella honey ko dahil late na nga ako umuwi, ang baho ko pa. Baka mamaya ayaw pa akong papasukin nito. Ilang beses akong nag-sabon sa katawan para hindi niya maamoy ang alak na iniinom ko. Kaagad akong nag-banlaw nang masigurong mabango na ako. Kailangan ko rin mag-toothbrush ng dalawa o tatlo beses dahil nakakahiya. Hard pa naman ang ininom namin kanina. Nang matapos ako sa pagsesepilyo, inamoy ko muna ang aking sarili para masigurong mabangong-mabango na nga ako. "Pwede na tayong lu

