"Ano?" Parang nabibingi yata ako sa sinabi ni Mama. Hindi ko akalain na pati number ko ay ibigay ni Mama sa lalaking 'yon! "Ang sabi ko, binigay ko ang number mo kay Gavin." ulit niya pa talaga na lalo akong nainis. "Ang ibig kong sabihin, bakit mo naman binigay sa kanya?" simangot kong tugon bago humugot ng hangin at binuga rin. Para akong na-stress bigla nang malaman kong pati number ko ay alam na niya. Paano pa ako makaiwas nito? 'Yun pa naman ang balak ko. Ang iwasan siya, hangga't maaari dahil baka malaman ito ni Mark at mag-away na naman kami. Hay naku! Ang hirap talaga kapag pinagkaisahan ka. Nakakabadtrip! "Bakit? Anong masama doon?" maldita niyang tanong at pinameywangan pa ako. Tumulis ang nguso ko nang tumingin ako sa kanya. "Basta ayoko!" maktol na tugon ko. Lalo ako

