Nakipagkwentuhan na kame sa mga bisita ko. Pinakilala ko narin si Pat sa mga kaibigan ko. Habang nakikipagusap ako kila Jam, may tumakip ng mga mata ko. Ang amoy na to, alam na alam ko. Hindi pwede akong magkamali. Kabisadong kabisado ko to. Alam na alam ko kung sino to. "Hey.. Happy Birthday!!!" ------------------------------------------------------------------ PAT POV Sino ba tong babaeng to na may patakip takip pa ng mga mata ni Lance? Nakita kong may mga ngiti sa labi ni Lance sa ginawa nung babae. Aish! Gustong gusto lang Lance ha? Tiningnan ko sila Lara, Jam, at Cole, lahat sila nakangiti. Ano to? Kilala nila ung babae? At bakit parang gustong gusto rin nila? Makangiti naman tong babaeng to wagas! Wagas pa sa wagas! Nakakainis! Bakit kasi ang ganda nya?! Sino ba to?! AISH! "Hay

