Eto daw ang bagong partner nila. Pero wait, Krystalance? Krystalance Vergara? Si... Si ano... Si ano yun ah... SI LANCE SI KRYSTALANCE VERGARA! Vice President siya ng ACES COMPUTERS? ------------------------------------------------------- Pat POV Nakita ko si Lance habang paakyat ng stage at nakipag shake hands sa mga management ng BBPhone Company na client namin. Hindi ko akalain na sya ang tinutukoy ng lahat. Ang taong inaabangan ng lahat dito sa launching na ito. Sabe nila ngayon daw kasi ipapakilala ang bagong Vice President ng Aces Computers, ang number one brand dito sa Pilipinas pag dating sa gadgets and computers. Nagsimula itong sumikat mga 3 years ago nung may nilabas isang computer sila na nilaunch na lahat ng tao ay gustong gusto bilhin. Hindi ako nakikinig sa mga usapan

