I will be right here waiting for you. Biglang bumuka ung mga mata niya. Nagulat siya ng makita ako. "Pat? " Siya lang ang tumatawag sakin niyan. Yung iba tuwing tinatawag ako niyan naiinis ako. Kasi parang feeling close. Di ko lam bakit pag siya tumatawag sakin nyan gustong gusto ko. "Hi Lance!" ---------------------------------- Lance POV Nananaginip ba ko? Imagination ko ba to? Nababaliw na ata ko. Si Pat ba ang nasa harap ko? Bakit sya andito? Hala! Hindi kaya stalker ko na siya? Ang kapal mo naman Lance. Stalker kagad. Lakas ng confidence. Pero di ako makapaniwala. Andito yung taong kanina pa nasa isip ko. Yung taong parang nagbibigay ng sariling beat dito sa puso ko. Yung taong dahilan ng pagkanta ko kanina. Oo. Tama yung kanta. I will be right here waiting for Pat. Straig

