Heart Attack

1254 Words
"Kakainin mo rin ang mga salita mo!" sabe ni Jam ang long time bestfriend ko nung college "Eh mahilig naman kumain yan (ooops green) hahaha!" Sabe ni Cole ang bestfriend kong lalaki since highschool Tawanan lahat. "Ewan ko sa inyo!" Yun nalang nasabe ko. Maya maya. Dumating ang ibang barkada ko. At wait may kasama silang bago? -------------------------------------------------------- LANCE POV Kaya ayun iniwan ko sila sa resto at umakyat muna ko sa bahay ko. Walang masyadong nakakaalam na dito ako nakatira, sila Cole at Jam lang ang nakakaalam. Pano ba naman pag nalaman ng mga friends ko na dito ako nakatira baka maging refugee center tong bahay ko ng mga lasing every night! Mas gusto kong ako lang sa bahay para tahimik. Gusto ko kasi pag nasa bahay ako ung tipong makakarelax ka lang walang ibang iisipin. Yung tipong walang iistorbo sayo.  Sa araw araw ba naman na iba't ibang tao ang nakikilala at nakakasalamuha ko. I have to talk all day dahil sa mga meetings. I forgot to say. Isa nga pala akong Operations Manager ng isang Computer brand dito sa Philippines. Eto ang naging company ko for 5 years. I started as an office staff pero dahil sa non-stop work and no reklamo ko madali kong nakuha ang posisyon na to in 5 years. Masisi nyo ba ko kung gusto ko ng peace of mind tuwing uuwi ako sa bahay?  Ako lang pala ang magisa dito sa bahay. My mom passed away when I was 22. Si Dad ayun nasa Davao managing our family business. Matagal na kameng di nag uusap simula nung nagkasagutan kame. Ang kapatid ko naman. He's engaged so nagsisimula siya ng sarili nyang pamilya.  Di ko mapigilan at napag isipan ko ang sinabe nila Cole at Jam. Lagi nilang sinasabe sakin na kakainin ko daw ang mga salita ko. Paano ba? Sus malabo naman atang mangyare na unang kita mo palang alam mong siya na? Di ba dapat nagdedevelop muna ang feelings? Malabo rin ata na katulad ng sinasabe nila na malalaman mong siya na un pag nakita mo tapos parang nagslow motion ang lahat at wala ka ng makikitang iba sa paligid mo tapos maririnig mo nalang ang tugudog ng puso mo. Tapos sabe pa nila mararamdaman mo daw na parang may mga paru-paro na naglalaro sa tyan mo. Lage kong sinasabe sa kanila na ang OA ng mga iniisip nila! Ganto ako, lahat dinadaan ko sa biro! Ayokong magseryoso ng sinasabe nila pag dating sakin.  Sabe nga nila.... "Alam mo Lance, you're too serious pag kame ang nanghihingi ng advice. You always say the right words. Pero bakit ayaw mo atang iapply sa puso mo?" Automatic na ang sagot ko dyan."Puso ko? Matagal ng sarado yan. Matigas na! Di na matitibag yan parang bato. At mas malamig pa sa ice cream dahil matagal ko ng nilagay sa freezer!" Ang dameng kabaliwan. Eto magshoshower na ko. Saturday night panigurado puno ang bar at cafe ngayon. Madame nanamang friends ko ang darating. Maya maya lang bago ako pumasok ng banyo tumunog na ang phone ko. "Yo! What's up? miss me?" Feeling cool ako eh! "Hoy babae ka! Asan ka?" sabe ni Lara isa sa mga close friends ko barkada ko nung college.  "Nasa bahay. Naliligo ako dude! Gusto mo magfacetime?" "Shut up! Wala ka talagang masagot na maayos! Anyway, punta kame sa bar maya. Kasama ko friend ko si Natalie may blind date eh!" "Si Natalie may blind date? Akala ko ba para sakin yan? Pano na ko? " "Hoy Lance! nakaloud speaker ka! Naririnig kita! Sabe na nga ba type mo ko! Magpakita ka ah! Wag kang magselos sa ka blind date ko. Miss na kita eh!" sabe ni Natalie. Hindi ko naman talaga sya type. Well kung tutuusin si Natalie talaga ang typical na babae na mattypean ko talaga. Morena, petite, syempre maganda. Yan ang typical ng itsura ng mga ex ko except kay... Aish wag na nga! Natalie is a friend at hanggang dun lang. Never ako pumapatol sa friend ko.  "Ayoko nga!  Baka maheart broken nanaman ako noh." "Hay naku Lance. Kung nililigawan mo kasi ako noh para maging tayo na?" sabe ni Natalie. Baliw talaga tong babaeng to eh. Oo umamin siya sakin noon na gusto niya ko. Actually straight siya nung nakilala niya ko. Pero since lage niya akong kasama. Bigla daw siya naconfuse at gusto na niya makipagrelasyon sa girl. Not expecting that, nasaktan ko siya. Napaasa ko ata. Akala niya may gusto ko sa kanya. Eh sakin friends lang naman talaga. Akala nga ng mga kaibigan ko siya na ang makakapagpalambot ng puso ko. "Asa ka girl! O sige maliligo na ko para tumulo laway mo sakin mamaya at iwanan mo ang kablind date mo! " Nilagay ko na ang phone ko sa speakers ng banyo ko. Syempre concert mode ko na to pag nasa banyo! Aminin nyo kayo din naman ah! Kanya kanyang trip to!  NOW PLAYING: Tonight is the night by Outasight Tonight is the night is the night that were losing control Tonight is the night is the night we set it off Everybody go Wooh wooh ooh ooh ooh Wooh wooh ooh ooh ooh Yea yea yea yea Wooh wooh ooh ooh ooh Wooh wooh ooh ooh ooh Yea yea yea yea Yeah! Sarap mag concert este maligo pala! Tonight is the night! Feeling ko good vibes ako ngayon di ko lam kung bakit. Mga 2 hours narin pala ko nawala. Malamang nageenjoy na ung dalawa kong bestfriends sa baba. At malamang andun na rin sila Lara at kanyang girlfriend and of course Natalie and her blind date. Etong si Lara parang PR ng bar ko eh. Every Saturday lageng may mga dinadalang bago sa bar. Di ako nagrereklamo kasi wala pa naman syang niyayang panget dito sa bar ko. Lahat mga classmates nya nung High School at galing siya sa isang sikat na all girls school. Kaya hotties ang dinadala niya. Bumaba na ko sa elevator ko. Ako lang ang pwedeng sumakay sa elevator na to. It is encoded with a passcode para walang magkamaling makapunta sa rooftop house ko. Ang pwede lang daanan nito ay ang office ko sa bar at ang basement kung saan andun lahat ng cars at bikes collection ko. So bumaba na ko at inenter ng passcode ko. And here I am sa office at lumabas na ko sa bar. As I said, andito na nga sila.  "Hoy bakit ang tagal mo? Ang dame ng tao oh! Parang puro babae ata ngayon? Maghanap ka na ng lovelife mo!" sigaw ni Jam.  "Tonight is the night na ba? Malay mo! Go na!" sabe naman ni Cole. Mga baliw talaga tong bestfriends ko eh. Parang meron silang mission parati pag dating sakin. MISSION IMPOSSIBLE: Melt the Frozen Heart.  Umikot na ko. Nakita ko dumating sila Lara with the girlfriend pati si Natalie andun na ang blind date nya. Aba hot guy at mukhang tuwang tuwa naman si Natalie na sobra pa makangiti. Pero wait meron isa pa silang kasama nasa likod. Hmmmm, dala nanaman ba to ni Lara? Pero wait bakit parang habang nakikita ko sya papalapit bigla akong nabibingi. Wala akong marinig. Asan ang music? May sira ba ang sound system? WAIT bakit parang mga tao nawawala din? Bakit parang kame lang? Siya lang nakikita ko. Bigla syang tumingin sakin! Ay shet ngumiti sya! Bakit ang sakit ng tyan ko? Parang maraming butterflies na parang nagwawala at nagpaparty sa tyan ko? At eto pa. Matagal tagal ng nangyare to. After 5 years... may narinig ako ulit. TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG!!!!!!! Ang puso ko? Parang ngayon ko lang ulit narinig na tumibok ng ganito? Ano bang meron ngayong gabe? Ano bang nangyayare? Nababaliw na ba ko? Mamamatay na ba ko sa heart attack? At sino ba tong babaeng papalapit sakin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD